Daily Archives: 2014-02-11

Mahirap Mag Expect

Kung nanliligaw ka, or galing kayo sa isang fight, or war talaga kayo, o kahit yung alam mong exclusively dating kayo pero wala pang umaamin, mahirap yung bibitaw ka ng I LOVE YOU pero nage-expect ka ng I LOVE YOU TOO pabalik.

Mabigat yun. Yun yung parang binigay mo yung best mo, yung buo mong tiwala, yung puso at kaluluwa mo ay ibinenta mo sa demonyo pero wala kang nakuha kahit katiting.

Para kang bumili ng item sa toy store na buo ang presyo at walang sukli. Para kang nagbigay ng limos pero itinakbo lang niya ito. Para kang bumili ng kendi na maraming langgam at hindi na napakikinabangan. Parang umakyat ka sa puno ng mangga para pumitas ng bunga pero nadiskubre mo na puno ng acacia pala yun.

In short, nagpakatanga ka.

Nagbabasa rin kasi ako ngĀ 2sides-of-dating nang maisipan kong magsulat tungkol dito. Bumibitaw na sila ng I Love You at I Love You Too sa isa’t isa pero hindi pa sila. Wala pang titles ang pagiging girlfriend-boyfriend nila. Nakakakilig din kung tutuusin.

Kinakalat rin ng Travel Factor ang ad namin na may kadikit na Valentine kilig. Hinding hindi papalya ang beach sa pagsasabi ng I Love You More.

i love you more

i love you more

Malapit na rin kasi talaga ang araw ng mga puso. Sa totoo, hindi ko alam ang gusto kong mangyari. Gusto kong mag-celebrate kasama ka pero busy na ako. Hindi ko rin magawan ng paraan ang schedules ko para sayo dahil hindi ko rin sure kung ano ang feelings mo para sa akin.

Para akong nagbibitaw ng I Love You araw-araw, oras-oras, minu-minuto, at nage-expect ng I Love You Too pero hindi ko natatanggap.

Well, pathetic post. Ngayon na lang ulit ako nagsulat ng ganito.