Olivia Will You Marry Me – The Truth About The EDSA Ad

Nakita na ba ninyo yung nagkalat na Olivia Will You Marry Me na ads sa mga waiting shed sa EDSA?

olivia will you marry me

olivia will you marry me

 

Just in time for Valentines 2014, makikita ang mga ito sa kahabaan ng EDSA. Kulay puti ang font at ang billboard ay may kulay ng 2005 MMDA pink. Wala pang umaako ng kahibangang ito pero suspetsa ko, sa araw ng Valentines Day, malalaman rin natin ang totoo.

Hindi ko alam ang tunay na dahilan niyan. Isa lang ang nasisiguro ko, hindi ito tunay na proposal. Eto ang mga dahilan ko kung bakit:

  1. Full Name Please. Kung magpu-propose ako gamit ang billboards, hindi first name lang ang ipapalagay ko. Ipapalagay ko ang buo niyang pangalan. Sasamahan ko pa ng FB fan page para madami ang mag-like. Ilalagay ko rin pati ang picture niya. Para maramdaman niya na para sa kanya talaga ang bold move na yan at hindi para sa isang generic person na may first name na Olivia.
  2. One Is Enough. Isang billboard lang ang kailangan ko. Yung billboard or waiting shed na parati niyang tinatambayan papasok sa trabaho. Hindi kailangang ipangalandakan sa lahat ng sulok ng EDSA ang pagpu-propose ko. Sayang sa pera.
  3. Personal Touch. Mas maganda kung in person ang pagpu-propose. Tatayo ako sa maswerteng waiting shed at ihahanda ko ang sarili. Magbibihis ako ng maganda at hahawak ng isang bouquet na may dalawang dosenang bulaklak. Wala pa ring tatalo sa harapang pagsasambit ng “Will You Marry Me?”
  4. No Countdown. Kung lalagyan ko ng countdown yan, hindi ko ibibigay ang punchline agad. Para kang nagbitaw ng battle bars sa Fliptop na inuna mo ang punchline. Whack yun!

Lahat nagtatanong kung bakit. Kahit naman ako. Actually, naisip ko na rin gawin ito dati pero wala lang akong ganun karaming pera kaya nilagay ko na lang siya sa business card ko.

0 responses to “Olivia Will You Marry Me – The Truth About The EDSA Ad

  1. May chance na ad campaign nga lang, papansin lang, and nag-succeed sila.
    May nabasa ako somewhere na may chance na tunay nga itong proposal. Proposal ni Pratty kay Isabel Oli. Olivia sa totoong buhay, at bday din kasi ni Pratty today.

    Oh well, we’ll see before the day ends.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *