Daily Archives: 2014-02-19

Olivia Said Yes Pero Korni Pa Rin

Korny, Korni, Corni, CORNY.

Well, ayos na rin. Napansin din naman. Viral siya nung una, at dahil sa “eh?” effect niya ngayon, pag-uusapan pa rin.

olivia korni

olivia korni (salamat sa rappler para sa pic)

Pero come to think of it, this is a very innovative way of investing your money in condominiums. Ngayon lang ata ako nakakita ng payment plan na “weekly” instead of monthly sa condos.

Alam ko, ginagamit na ng Network Solutions, pioneer in domain name registration, ang 4-week billing cycle, pero sa condos? Unang una ito. Empire East is indeed a leader. Tumatak sakin.

Having said that, MAY KARAPATAN SILANG MAGING CORNY. Oo, meron. Para sa akin, pwede na. Lalabas siguro na mas mahal nga ang 2,141,14 every week kumpara sa 8k per month pero baka naman may gumusto ng ganyang billing cycle.

Kudos na rin sa Empire East. Their publicity worked. Magdadala na lang ako ng foods. Kapag may victory party sa ad na to, imbitahan po ninyo ako ha.

Kung ayaw ninyo ng kakornihan, eto na lang:

wheel

 

Memory Miyerkules Takas

Isang boring na klase sa business administration ang napasukan ko. Ang upuan ko, pangalawa sa dulo malapit sa pinto. Sobrang boring magturo ng propesor. Nakaupo lang siya sa harapan at tuluy-tuloy ang pagi-ingles gamit ang mga salita na siya lang at mga scholars ang nakakaintindi. 

Basta hindi ko maintindihan. Business models ata ang trip niyang pag-usapan. Kung nauso ang Flappy Bird noon, naka-300 na siguro ako.

Kaya naman matapos mag check ng attendance ng propesor, pipilitin ko na makinig sa loob ng dalawang oras sa mga boses niya na hindi pwede sa radyo. Walang tono, walang intonation, walang tempo, wala lahat. Mag-uuwian ang mga tao pag lumaban siya sa Fliptop.

Pagka-kalahati na ng klase, ti-tyempo na ang katabi ko. Tatayo siya at magbabanyo, pero after 30 minutes pa siya babalik. Minsan, hindi na bumabalik. Nakaka-inggit ang ginagawa niya dahil kaya niyang tumakas sa ganoong mga klase ng pagkakabilanggo.

Isang araw, sinubukan ko rin ang ginagawa niya. Walang tanung-tanong, tumayo ako at naglakad sa labas na parang wala lang. Plano ko talagang mag-CR lang pero napadaan ako sa canteen, nakakita ako ng Mongolian at napa-order ng isang set. Kumain ako.

Nung kuhaan na ng grades, kulang ako ng isang quiz.