Kapag Nakipag-HIWALAY Ka

#sarapmagsulat

Yung mga friends ko sa FB at mga naka-follow sakin sa Twitter, malamang alam na nila na more than a month na akong single. Hindi sila sanay at gusto nila magpa-kwento. Ako naman, hindi ako mahilig mag-kwento dahil (1) ayoko, (2) may blog ako at dito  mababasa ang lahat, at (3) isusulat ko rin siya sa libro. Malalaman rin ninyo ang kwento in time.

break up 001

thanks popstrip.com

Palusot ko lang yun, ayaw ko lang talaga pag-usapan. Lahat ng klase ng paghihiwalay, masakit. Ako nga, nadapa ako 3 weeks ago at nasugatan. Nahiwalay yung balat ko. Masakit yun.

In the words of the Super Ex, “wala pa ring mas mas sasakit pa sa heartbreak“.

Paalala ko lang dun sa mga naghiwalay dyan, naghihiwalay, tsaka mga maghihiwalay. Kailangan i-consider ninyo ang mga ito:

Hindi Lang Siya Ang Hinihiwalayan Mo. Kasama na dito ang lahat ng mga kaibigan niya na loyal sa kanya. Sabihin na natin na mali, pero may magti-take sides pa rin. About 3 years ago, naramdaman ko to. Parang nakipaghiwalay ako sa isang buong barkada nun. Sampu na rin ng mga kamag-anak niya sa isang lugar sa Mindanao.

Kukunin Niya Ang Kanya. Hello, ineexpect mo ba na sa iyo na yang kotse na pinahiram niya sayo? Akala mo ba, may access ka pa rin sa mga country club na member siya? Tingin mo ba, tuluy-tuloy pa rin ang pag-supply niya ng load sayo? Akala mo ba, hindi niya kayang ipa-putol ang postpaid line mo?

Dadami Ang Oras Niya. Yung panahaon na ginugugol niya sayo na hindi mo naman nasusuklian, halos kalahati na ng araw niya yun. Ngayong wala na kayo, may apat na oras na siyang pwedeng mag (a) Zumba, (b) travel, (c) inom, o (d) makipagharutan kahit na kanino. Syempre yung letter D, dapat gawin niya after 3 months pa. Nevertheless, mas marami na siyang magagawa; at hindi ka na kasali dun.

Wag Kang Umasa Na May Babalikan Pa. Oo. Ang bawat ending ng sentence ay may period. Hindi ito comma na pwede mong i-build yung unang statement. Pag period, tapos na. Asa ka pa na may babalikan ka pa. Wag kang magpaka-feeling Angel Locsin.

#bitternakungbitter

0 responses to “Kapag Nakipag-HIWALAY Ka

  1. Para saakin, ikaw pa rin ang kampeon ng pag-ibig.

  2. sabi sakin dati ng kaibigan ko: “ang bitterness,uri ng panLasa, hindi uri ng ugali”

    pero sabi nga ni Boss Ramon Bautista sa BHKCNCM,
    do the “reverse Bittering” to make you feel better.

    hihi..epektib

  3. IDOL PARIN KITA, PEPI NG PAGIBIG!

  4. hay naku… gusto ko man mag comment pero parang wag na lang… kukulangin ang space for the comment.

  5. Well been there. Done that a long long long time ago… you’ll get over it

  6. Peps,

    continue lang sa pag gawa ng mga ganto..masaya..masarap.nakaka relate.

Leave a Reply to Arlyn Det Ng Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *