UNO'ed By Bangs Garcia And Dawn Jimenez

I was lucky to have been invited to the autograph signing of UNO’s cover girls Dawn Jimenez and Bangs Garcia at Powerbooks Greenbelt last week. It was fun seeing them in person. After a bit of kwentuhan, pila na para sa picture at pirmahan.

UNO launch

Dawn Jimenez, star of OTJ.

Actually, hindi ko pa talaga napapanood ang OTJ. Medyo delayed ako pagdating sa movies lately. Siya ang ka-eksena ni idol Gerald Anderson at napansin ito ng lahat ng mga nakapanood. One of the reasons siguro yun kaya kinuha siya ng UNO mag for their 92nd issue.

Dawn Jimenez

Sa issue na ito, nilublob siya sa chocolate syrup para sa pictorial. Akala ko tuloy, marshmallow siya. Parang ang sarap tuloy tikman. Buti naalala ko na magazine lang pala.

Pwede natin sabihin na wala siya suot kundi chocolate.

Bangs Garcia, first on UNO mag.

Si Bangs, naalala ko pa noong Let’s Go days. Bangs ang naging nickname niya dahil hindi mo makikita ang mga mata niya sa palabas na yun. Una atang pinakita ang mukha niya sa Candy Mag. Naging cover na rin siya sa FHM ng mga tatlong beses at ngayon, nasa cover na siya ng UNO.

 Bangs Garcia

Andaming granada at baril sa UNO mag 91. Masasabi kong magaling humawak ng dynamite si Bangs.

Sabayan mo ng smirk niya, ay talaga lang, nakakinlove.

Signed Copies

sorry may mumu. dahil yan sa ghost feature ng camera360

Yung mga poster inserts, pinapirmahan ko rin. Ikakabit ko sa pader ko mamaya.

Grab your copies at your favorite magazine shops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *