Hindi Ako Magaling Kumuha Ng REBOUND

Aaminin ko sa inyo, hindi talaga ako magaling kumuha ng rebound.

Maraming traits at skills ang kailangan mo kung gusto mong gumaling sa rebound. Si Hanamichi Sakuragi, ang hari ng rebound, ang perfect example para makita mo ang mga katangiang ito.

rebound

Kung ayaw mo kay Hanamichi Sakuragi, pwede naman din kay Dennis Rodman. Rodman din nga pala ang pangalan ng alaga naming aso nung nasa Laguna pa kami.

Dapat Matangkad Ka. Para mas madali mong maabot ang bola, dapat mas matangkad ka kumpara sa mga kalaro mo; kakampi man o kalaban. Dapat mas malayo at mas marami ang nakikita mo para yung rebound mo ay sayo lang.

Dapat Magaling Ka Mag Boxout. Eto yung pagharang gamit ang dibdib, hips, at mga braso sa mga makakalaban mo sa rebound. Dapat sakto ang bangga mo sa kanila para hindi sila makatalon o makauna sa pwesto.

Dapat Marunong Ka Mambalya Ng Onti. Yung onti lang, yung walang kasamang foul.

****

Obviously mga kampeon, hindi rebound ng basketbol ang gusto ko isulat sa blogpost na ito, pero nauwi na rin doon.

Basta hindi ako magaling sa rebound. Bigyan mo pa ko ng 2 months, pag naka-move on ako, game on na tayo.

Salamat nga pala ulit sa pagiging patas, pero sana, naglagay ka ng backlink (kung pwede yun sa iOs app).

0 responses to “Hindi Ako Magaling Kumuha Ng REBOUND

  1. lintek yang rebound na yan. Perwisyo lang yan 🙂

  2. Wow rebound… well good job with that. I think. Lol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *