The Buwis Buhay Concoction Experience

Keep Calm.

Buwis Buhay Concoction, also known as the BBC. Ito ang alcohol mix na natutunan ko kay coach Farrs ng Southern Treaders, ang aking coach sa running. Para sa amin, ito ang BEST ALCOHOL MIX

Nung nag birthday kasi sa bahay nila, ito ang itinimpla. Masarap naman siya lalo na kung may flavor. Pero sa version ko, no flavor. Solid na alak at yelo lang, at may touch of love sa loob ng tower, ayos na.

Buwis Buhay Concoction

Buwis Buhay Concoction

Ito ang tinimpla namin last year noong 27th birthday ko na ginanap noong May 27. Actually, dual celebration yun dahil birthday din ni Pentells.

Ingredients:

2 El Hombre Tequila
2 Tanduay White
2 GSM Blue
2 Cossack Vodka
2 Tanduay Rhum
2 Alak na hindi ko alam pangalan
2 Red Horse Mucho
Maraming Yelo
5 Gallon Container
Beer Tower
Touch of Love
Pomelo Powder Juice (Optional)

Ngayong gumawa ako ng Event Page para sa 28th birthday ko this year; ginamit ko na header image ang ingredients ng BBC. At dahil marami ang nakakita ng line up ng alak, unti-unti nilang nilabas ang kwento ng kanilang BBC experience.

Hindi lang pala si Pentells ang may BBC experience.

Nagsuka Sa Bag Ng Roommate. Yan ang BBC experience ni Deltahere. Nasa taxi na daw sila noon at dahil wala silang dalang plastic bag habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada, hindi na raw napigilan ni Deltahere ang kanyang pagsusuka. Doon na raw siya sumuka sa bag ni Pipay.

Knockout Sa Room Ng College Tropa. Hindi ko maalala ang name nung tropa ni Donna, pero ayon sa aking number 1 Backoffice agent, hindi raw talaga nakabangon ang tropa niya. Inabot ata ng kalahating araw ang pagkabangag.

World War Sa Kotse. Well, standard na naman kasi ang pag-aaway ni Dramaking at ni Camilla. Pero nung gabi raw na yun, nagsisigawan daw sila sa loob ng kotse dahil sa di malaman na dahilan. Hanggang ngayon, di maalala ni Dramaking kung ano ang pinag-awayan nila.

Mumurahin Mo Tropa Mo. Minura ako kanina ni Master Wong dahil napa-text daw siya sa isang nililigawan niya ng mga kung anu-ano noong gabi ng kanyang BBC experience. Drunk texting daw. Wala siyang nagawa kundi mag-sorry kinabukasan.

Failed Gimik Bastos. Yung isa kong friend, dumiretso pa raw siya sa beerhouse. Umorder siya ng isang alak. Nung dumating na yung mga babae na iti-table niya, tulog na raw siya sa sofa. Ayun, hindi na natuloy ang kanyang gimik.

Walkout Queen Na May Pizza Comeback. Yan ang BBC experience ni Pentells. Come to think of it, normal na lang yun kapag tinamaan ka ng BBC spirit.

Hindi ko tuloy alam kung gagamitin ko ang same lineup of alcohol this year. Gusto ko siya ulitin pero nagdadalawang isip ako dahil baka may madagdag pa sa listahan ko ng BBC experience.

Tignan na lang natin.

0 responses to “The Buwis Buhay Concoction Experience

  1. Epic kaya. Go go go BBC! Yung paborito kong bag at purse na yun hindi ko na tuloy nagamit. Pero ayos lang. Buti si milab ang sumuka, hindi iba. Hehehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *