5 Reasons Why Makati IS Selfie Capital Of The World

proof is here according to TIME.

Recently, Makati together with a percentage of Pasig and Taguig, have been ranked number 1 as the Selfiest City on Earth. Sabi yan ng TIME. Wag ka na kumontra, Time can heal all wounds, Time tells time, Time, I’ve been passing time watching trains go by, all of my life.

selfie sa parlor

selfie sa parlor

Kanya namans napa-isip me, why kaya Makati. Of all places, bakit Makati. Ano ang meron sa Makati? Ganito kasi kami sa Makati, sana ganito rin sa buong bansa. Binay 2016!

Hindi po ako political blogger, pero kapag kinontak nila ako, malaki ang chance na um-oo ako.

Balik sa topic at wag na natin patagalin, bakit nga ba Makati?

1) TIME Formula. Ang formula na ginamit ng TIME ay naging advantage para sa Makati; selfie per capita. Maliit lang ang capita ng Pilipinas kahit pa sabihin mo na Makati is the central business district.

Kumpara sa mga country na malalaki ang income, hindi naman din sila mahilig masyado sa selfie. Wala talaga silang laban kung naka-base sa income bracket ang denominator ng formula. Maswerte na lang din tayo at third world pa rin ang tingin sa atin ng mundo.

2) Mobile Accessibility. LTE powered ang Makati at ang ibang lugar sa Pasig. Mapa-Smart o Globe ka, pwede kang maka-connect sa 4G network na walang kahirap hirap. Bukod dito, yung mga establishments pa sa Makati ay may sarili at libreng wifi connection.

Sa McDo, sa Makati med, sa moonleaf, lahat yan meron. Nung bumili nga ako ng tig-sampung piso na buko juice kahapon, nagulat ako nung nagtanong yung isang customer ke manong kung ano daw ang wifi password niya. Sabi ni manong, “jirehlim lowercase no space”.

3) Unified Hashtag. Expert sa hashtagging ang Pinoy. Lahat ng bagay, kaya natin langyan ng #hashtag. At kapag meron nang #trendingtopic, sinasakyan na lang natin ito na parang #jeep. Ugali natin na sumabay sa nakarararami #bandwagon. Kung ano ang makita natin sa #Twitterfeed, yun na rin ang itu-#tweet. Minsan nga, kahit #offtopic, ginagamitan pa rin natin ng hashtag.

4) Not Afraid Of Criticisms. Yan ang nagp-prevent sa isang selfie inclined world, fear of criticisms. Close to zero ang Pinoy pagdating dyan.

Gamit ang mga karagdagang hashtag gaya ng #wacky at #haggard, nagagawa pa rin nating magselfie kahit mukhang galing sa baul ang ating #ootd. Hindi naman din tayo nahihiya kahit na anong pintas pa ang sasabihin ng iba.

Isa pa, hindi rin naman likas na mapagpintas ang pinoy sa cyberspace. Yung mga mahilig mamintas ng dami, offline na nila sinasabi yun pag katabi na nila ang kanilang mga bff. We don’t usually hurt people online. Maliban na lang kung not informed or amalayer ka.

5) The Nature Of The Word SELFIE. Na-tackle na ata ito ni Pentells, pero gusto ko i-expound. Ang selfie kasi ay self first. Gagawin mo mag-isa, walang tutulong sayo kundi ikaw. Pwede kang mag-selfie pod pero ikaw pa rin ang magsi-set ng timer at pipindot ng button.

Hindi mo kailangan humila ng manong guard o ng stranger in the corner para mag-selfie. Hindi mo need ng tamang lighting dahil may flash naman ang mobile mo. Marunong ka rin naman tumingin ng against the light.

Lahat ito, dahil sa independence ng Pinoy, nakatulong para maging selfiest city ang Pinas. We will hold the record for eternity. Foreigners will visit our country just to take a selfie.

Maraming salamat sa TIME. Maraming salamat din sa inyong Time.

Pag nag-selfie ba tayo, ila-like mo?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *