Rear Naked Choke

Hindi ako mahilig sa ultimate fighting. Hindi kasi ako melee type. Kapag naglalaro ako ng mga MMORPG, mas pinipili ko yung may hawak na baril o pana kesa sa mga may hawak na espada at shield.

Dahil messy ang hand to hand combat. Wa poise.

Pagdating naman sa mga girls, mas gusto ko yung mga marunong mag-defend ng sarili nila. Yun bang kahit kapag ako, umuwi ng lasing, kahit anong pagwawala ang gawin ko, alam kong kayang-kaya ako i-restrain dahil nandyan si girlfriend na marunong mag rear naked choke.

 

Well, hindi mangyayari sa akin ang ganyan. Not now, not ever. Bukod sa alam kong talo talaga ako sa hand to hand combat, mas gugustuhin ko pang tumalon at tumakbo kesa makipag-yakapan para makapag submission move.

Isa pa, ang yakapan ay dapat ginagawa sa kama at hindi sa sahig ng sala na maraming nanonood at nagvi-video.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *