Powered By Travel Factor HQ.
Bago ang lahat, i-like muna tong mga to:
Paakyat kami mamaya sa Mt. Pulag, ang ikalawang sa pinakamataas na lugar sa Pilipinas, sunod lamang sa Mt. Apo. May isang buwan ko rin kinokondisyon ang utak ko, pero hindi ko alam kung kaya ng katawan ko.
Bukod sa galing ako ng injury, nagkasakit pa ako nung Monday dahil sa biglang pag-ulan sa amin. Hassle dahil hindi ako nakapag-training. Kulang talaga.
Buti na lang at kasama ko si Master Pulag Ron Rabadon sa pag-akyat. Siya ang Lead Coordinator for the trip. Support lang ako. Taga-hello lang ako sa camera.
Speaking of which, magdadala din pala ako ng camera. Teka at icha-charge ko lang.
…
,,
Gusto ko sana na bigyan ninyo ako ng malupit na goodluck. In return, bibigyan ko kayo ng checklist sa pag-akyat sa bundok, o kahit na anong adventure.
- charged batteries. lahat ng klase mula sa celphone, powerbank, AA batteries.
- camera.
- flashlights, headlamps.
- jacket, kumot. kahit summer pa yan, malamig sa gabi. malamig din sa bus.
- shades, cap, bonnet.
- wallet, id.
- toiletries.
- plastic bag, ziplock.
- extra undies and socks.
Yan naman ang mga pinaka-importante. Ako, pinicturan ko yung nakalatag sa kama ko. Buti na lang, sinabihan ako ni KnP01 na walang brip, muntik ko na makalimutan.
Pag hindi ako nakabalik, mami-miss ninyo ako.