Daily Archives: 2014-05-06

5 Essential Things That I Forgot To Bring With Me To Mt Pulag

May mga bagay na talagang makakalimutan mo dalhin. Either nakalimutan mo isulat sa checklist, nakalimutan mo i-doublecheck sa checklist, nilabas mo na nung nag-iimpake ka pero hindi mo pinasok sa bag, o di kaya e pinasok mo na sa bag pero nilabas mo pa ulit dahil akala mo, hindi importante.

Nang nandun ka na sa trek, dun mo mari-realize na nagkamali ka. Sana dinala mo na lang. And now, you suffer the consequences.

I learned that the hard way. Hindi naman ganun ka-hard pero still, masakit pa rin isipin na may nakalimutan ako kahit na naglabas ako ng checklist before the climb.

Eto na sila.

notionally Sunblock. Hindi kasi ibig sabihin na kapag malamig sa lugar na pupuntahan mo, e wala nang araw. Remember, you will be closer to the sun by 2,922 meters. Dapat nakapagdala ako ng Beach Hut. Sayang, sponsored pa naman.

beach_hut_sunblock_lotion

http://philldiscgolf.com/tttt.php Shades. Isa pa to. Maaraw pagdating ng umaga, pababa ng summit. Maaraw din pabalik sa Ranger’s station. Kapag sumakay ka rin sa top load, medyo delikado rin kapag napuwing ka. Basta, need mo ng shades. Ok na yung nabibili sa ibabaw ng overpass sa Guadalupe. Tig-35 pesos lang yun.

shades

Bago tayo magpatuloy, like mo muna to:

Hand Gloves. Totoo, kailangan mo nyan. Pagdating ng dapithapon kung saan medyo nilalamon na ng ulap ang campsite 2, kailangan mong maging extra warm ang hands mo, lalo na sakin na may carpals. Naku! kulang na lang, ipasok ko sa brip ko yung mga kamay ko.

handgloves

Extra Water. Alam kong niremind na kayong magdala ng tubig, isang personal, at isang 1 liter of community water. Pero promise, kulang pa yun. I suggest, take 1.5 liters of Gatorade, 1 liter community water, 1 liter personal, and 500 ml na hand carry. Also, pag nakakita ng tindahan, bili agad ng maiinom. Mahirap na, baka sumama ang tyan sa mga tubig from the springs.

gatorade

Extra Baby Wipes. Hindi kasi pang cleaning lang ng hands yan. Minsan talaga, kailangan mong mag-go sa mga gilid to do your thing, at ang best na pang-wipe ay wet wipes. May iba din na makakalimot magdala, at chance mo na yun ilabas ang iyong chivalry.

wetwipes

Ayan ang lima. Importante sila according sa experience ko. Subukan niyo rin umakyat at i-kwento niyo sa akin ang experiences niyo.