Being a hosting representative for the pioneer in online presence, naging self taught ako pagdating sa mga internet jargons and terms. Interesting kasi para sa akin ang resulta ng mga hard code kesa sa hard code itself. Isa pa, mahina ang utak ko sa pagkabisado ng mga syntax, buti na lang may Google.
Ang problema ng website ko ngayon, comment filtering. Sa pagkatagal-tagal na pagiging PR 2 ng website ko, maraming bots at mga pseudobots ang gustong maki-ride sa webspace ko. They are using comments to do that.
Two months ago, payapa pa ang lahat, bigla na lang nagka-error ang publishing ko. After 3 hours of troubleshooting, na-discover ko na AKISMET ang may problema. Diretso uninstall and delete siya.
Yung kapalit naman niya na Antispam Bee, ganun din ang story about 2 hours ago. Buti alam ko na mag troubleshoot ng mas mabilis. Uninstall and delete din siya.
So ngayon, wala akong spam filtering system in place. After every 15 minutes, may pumapasok na comment na obvious na spam dahil nagbebenta lang sila ng kung anu-ano at nagpapasok ng outgoing links. Bad trip talaga yun pag may skwater.
So ngayon, nag-decide na ako. Hindi na ako gagamit ng default commenting system ng WordPress.
Mas ok ba ang Disqus? Yung Livefyre ba? E pano kapag gumamit na lang ako ng Facebook commenting?
Ganun ata talaga, kapag hindi na nagwo-work out ang isang bagay, at ginawa mo nang lahat para ayusin to, wala ka nang magagawa kundi i-give up. Oo masakit. Oo mahirap magmove on. Oo kailangan mo magsimula ulit at burahin ang alaala ng kahapon. Para sa ikabubuti mo, kailangan mo siyang gawin.