Make Owning your Dream Even Sweeter

Alam mo yung SUCCESS? #CarloRossi

Yung bagay na matagal mong inasam-asam, at ngayon nasayo na. Walang aagaw. Iyo lang para lagukin at lunukin? Yun ata ang tinatawag nila na success.

Pinakamasarap na feeling yung successful ka at shini-share mo ito sa iba. Yung hindi lang sinasarili ang tagumpay. Feeling ko kasi, kapag hindi mo nai-share ang success mo, hindi ka rin naging successful.

Carlo Rossi, the taste of success

Carlo Rossi, the taste of success

Carlo Rossi to share

Carlo Rossi to share

Kahit isang lagok lang, mag-share ka naman.

Marami din kasi akong gustong ipag-pasalamat. Yung mga bagay na hindi ko akalain na kaya ko palang gawin. Yung mga bagay na natakasan ko na rin sa wakas. Yung mindsetting ko na I deserve more. Yung pagiging Team Lead sa work at sa mga successful projects noong 2013. Lahat yang gusto kong ipagpasalamat. Gusto kong i-share.

Parang isang bote ng Carlo Rossi. Alak. Gaya ng maraming alak na makikilahot sa birthday ko sa katapusan. Ishi-share ko ang success ko.

Ano? Inom na?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *