Starstruck With Ryza Cenon At ToyCon2014

Nakuha ko na ang kopya ko ng UNO Magazine Swimsuit Special kung saan cover si Ryza Cenon. Nasa stage na si Ryza. Tinatawag na niya ang fans niya. Pwede na raw umakyat sa stage.

Pangatlo ako sa pila. Gustung-gusto ko talaga magpa-pic sa kanya. Ang UNO Magazine ang nagdala sa kanya sa ToyCon2014. Umangat din ang value ng ToyCon dahil may chick na magpapapirma ng magazine.

Ryza Cenon OOTD Toycon2014

Ryza Cenon OOTD Toycon2014 (photo from Ryza’s FB page/instagram)

Handa na ako, nasa bag ko ang camera, nabasa ko ang maikling writeup tungkol sa kanya. Alam ko na nagluluto siya, nagbi-bake, introvert siya, at yung mga usual na dapat alam mo tungkol sa celebrity. Alam ko ang sasabihin sa maiksing chance ng small talk.

Pero hindi yun nangyari. Nang kausap ko na siya, wala nang lumabas na salita sa bibig ko. Nag-hang ako. Na-starstuck ako.

Buti na lang andun si Juan Manila Express para kunan kami ng picture.

Ryza Cenon And Kampeon

Ryza Cenon And Kampeon

Para sa susunod na mga autograph signing ng UNO Magazine, abangan ang announcements sa: https://www.facebook.com/unomagazine

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *