Relaxation Trifecta At Mandaluyong Circle; Thai Royale Spa, Kai Cha, and Suay Skin

Nakakapagod ang magtrabaho ng limang araw sa isang linggo. Nakaka-stress ang araw-araw na pagsagot sa tickets na umaabot ng hanggang animnapu. Bukod sa coaching, sa pakikinig ng calls, sa pag-ayos ng papeles ng agens para sa kanilang appraisals, sa paggawa ng reports, at ilan ding mga meetings dito at doon, ano pa ba ang uubos sa oras mo.

Taga Sta.Mesa ako, ang biyahe papunta sa EDSA ang minsan nang ginagawa kong itinerary sa araw-araw. Dadaan ang jeep mula Stop N Shop papuntang Boni sa tapat ng main street namin. Sumasakay ako doon at nagbibilang ng kalahating oras hanggang EDSA. Kalahating oras pa ulit mula Boni papunta sa Makati, bago ako makapaglogin, umupo sa workstation ko, at magbuno ng siyam na oras na trabaho.

Thai Royale Spa Franchise

Thai Royale Spa Franchise

Pag-ikot ng circle sa may Mandaluyong munisipyo, mapapansin katabi ng Jollibee Maysilo ang building na may nakasulat na Thai Royale Spa. Tunog pa lang pang-sosyal na. Parang napaka-relaxing nga siguro pag pumasok ka doon. Napaka-sarap siguro magpamasahe ng likod na parati na lang sumasakit kapag matagal kang nakaupo. Parang ansarap magpa-masahe ng mga paa na madalas mong ginagamit sa paglalakad araw-araw. Parang masarap magpa-stretching ng katawan. Pwede mo sila i-like sa FB: https://www.facebook.com/thairoyalespa888

Kai Cha

Kai Cha

Sa santawid ng kalsada, andun naman ang sign board ng Kai Cha. Milk tea ang binebenta doon. Medyo nasa gilid siya at hindi kita mula sa harap. Maliit lang na pwesto.

Mahilig ako sa mga milk tea. Gusto kong paminsan-minsan ay huminto doon at sumipsip ng yogurt tea habang nag-aantay ng ka-date. Sana lang dumating kagad ang ka-date ko. Eto naman ang FB nila: https://www.facebook.com/kaicha88

Suay Skin

Suay Skin

May mukhang bahay din doon na may nakasulat na Suay Skin. Yung “S” sa SKIN ay korteng babae na seksi, parang hugis lang din ng boses ng kalandian. Facial Care ang focus nung bahay na yun. Sa dami ng polusyon sa Maynila, masarap siguro magpa-facial doon. Minsan, kailangan mo rin alagaan ang sarili mo.
https://www.facebook.com/suayskin

Ang tatlong businesses na yan ay sister companies. Si Ms. Kate ang may-ari. Open for franchising ang Thai Royale Spa. Ang Suay Skin ay naka focus on facial care. At ang Kai Cha naman, it is a break from your usual inuman.

***

Thai Royale Spa is open 24 hours and a 1 hour massage is as low as Php 200.
Thai Royale Spa Main is located in Chowking Bldg., 599 Boni Avenue, Mandaluyong City. (2nd floor of Watsons & OBYPED Drug, beside Jollibee Maysilo and in front of Petron Maysilo & R&J Bulalohan, near City Hall).
Contact: 584-8424(THAI) / 0917 346 6953/ 0908 178 1746
Thai Royale Spa is a good business opportunity and it’s open for FRANCHISING! Now with 15 branches!
Call 0915 194 8975
http://thairoyalespa.com/
Email: thairoyalespa@yahoo.com

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *