Letter To Maja Salvador ; The Legal Performer Concert

Dear Maja,

Kumusta ang paghahanda para sa concert mo sa July 12? Sakto lang ba? Kumusta ang voice lessons with coach Annie Quintos? Katunog mo na ba si Angeline Quinto?

Dati, puro sayaw ka lang. Kala ko nga, paggiling lang ang kaya mo. Puro ka nga  J.Lo pa noon. Nakakatuwa ang mga dance moves mo, malinis. Naalala ko pa noong nagsasayaw kayo nila Rayver, John Pratts, at Shaina. Sa totoo lang, ikaw ang pinakamalinis sumayaw sa apat.

Tapos, The Legal Wife? Grabe, super trending ka dun! Pag ako, may chance na magkaron ng kabit, Maja Salvador ang pipiliin ko. Teka, mali ata yung sinabi kong yun, erase!

Mapunta tayo sa ngayon. Nag-Gold na ang album mo na Believe. Yung kanta mo na Dahan-dahan, parating LSS ng agent ko sa office. Kapag may instructions ako sa kanya na hindi niya masundan, kinakantahan niya ako. Napapasayaw naman ako.

Maj The Legal Performer at Music Museum

Maj The Legal Performer at Music Museum

Sino ba kasi mga kasama mong magp-perform sa Maj The Legal Performer concert sa Music Museum? Alam na namin yun apat, pero mukhang may mga pasabog ka pa.

Ako, ine-expect ko na magpakita sa stage si Abra. Medyo malakas din kasi yung kanta ninyo na Halika Na. Isa ba siya sa mga surprise guest?

Na-follow na nga pala kita sa Twitter mo na @dprincessmaja. Pati Instagram mo na @iammajasalvador, naka follow na rin ako. Bakit ba kasi magkaiba pa sila, nakakalito tuloy mag tag!

Tsaka pa-follow back naman sa @pepideleon, both Twitter at IG.

maja at kampeon

maja at kampeon

maja at kampeon 2

maja at kampeon 2

Sa susunod na pagkikita ha, pag medyo gwapo ako, aakbay ako sayo. Medyo tanghali kasi yung blogcon at walang banyo sa Black Kitchen kaya hindi ako nakapag-ayos ng mabuti.

Salamat nga pala sa Banana Peel at sa Couture by Maja, natuwa si mommy.

Pepi de Leon
kampeonngpagibig

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *