Day 5: 5 Things I Wish I Knew Before I Started Blogging #SanaAlamKo #30DaysBlog

Marami akong mga bagay na natutunan ngayong nagb-blog na ako. Mga bagay na mararamdaman mo lang na alam mo na dahil nagsusulat ka na. May mga mali, may mga tama.

Hindi siguro ito maiintindihan ng karamihan dahil hindi lahat ng bloggers, na experience ito. Sabihin natin na ito yung mga bagay na pagsisisihan ko dahil blogger ako. Bagay na kung alam ko lang sana na ganoon ang mangyayari, edi dapat ginawa ko, o hindi ko ginawa.

day 5 of 30

day 5 of 30

Labo ba? Ayoko na magpaligoy-ligoy ala Nadine Lustre, eto na sila.

1) May magbabasa ng blog mo! Kadalasan, kamag-anak mo sila! 

Hindi personal diary ang blog. Naka-publish sa internet ang bawat letra. Naka-post ang mga pictures at viewable ang mga videos. Bawat salita, tumatagos. Magi-ingat ka dapat sa mga sasabihin mo dahil baka maka-bangga ka ng sensibilities ng iba. Na-experience ko ito noong nilibre ako ng mga pinsan ko manood ng Harry Potter movie. Dahil lahat kami single, ginamit ko na title “Date with the Singles”. Ayun nagalit yung isa dahil parang sinasabi ko raw na tumatanda silang dalaga.

Then, nagbackread pa sila. Andami nilang napuna at na misread. Kumitid ang utak nila. Parang nagkaroon ng giyera sa loob ng pamilya.

Pero hindi ko hininto ang pagsusulat. Hindi ko kasi siya kayang i-hinto.

2) Pwede kang kumita sa pagsusulat.

Oo, pwede. Darating ang panahon at mai-imbitahan ka sa isang event. Kapag marunong ka, pwede kang maglagay ng advertisements sa site mo. Ituloy mo lang ang pagsusulat.

Simulan mo sa pagsali ng blog contests. Doon ako nagsimula at na-recognize naman ako.

3) Sisikat ka ng bahagya at magiging influencer, kahit na sa apat mong mambabasa lang.

Sisikat ka! May mga taong makakabasa ng mga gawa mo. Maiintindihan ka nila at makikilala base sa mga nilabas mong mga letra. Malalaman nila kung anong klase ng tao ka. Pwede mo silang tawagin na Fans, Followers, Friends, Readers, or Lovies.

Ang tawag ko sa mga readers ko ay CHAMPS!

4) Lahat pwede mo i-kwento, as in lahat!

Walang limit ang pagsusulat ng blog. Sa iyo yan, ikaw ang nag-register niyan. May karapatan kang i-kwento ang lahat ng tumakbo sa utak mo.

Danger lang dito, kailangan honest ka sa pagsulat mo. Kailangan ilabas mo ang kaluluwa mo sa bawat titik O  na isusulat mo. Buong buo, walang labis walang kulang.

Pwede rin fiction. Bahala ka na, blog mo yan!

5) Mas sincere pa rin ang sulat kamay na letter.

Minsan, babalewalain ang mga sinulat mo, lalo na kung love letters yan. Iba pa rin ang sincerity ng sulat kamay. Kung magpapadala ka ng sorry at thank you letters, sulat kamay na yan. Mas personal mas maganda.

Yan ang mga #SanaAlamKo. Ngayon, alam mo na rin.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *