We Almost Dated: The One Who Won’t Go Away – Counter Blog

Original Text Here: http://thoughtcatalog.com/elle-seejay/2014/07/we-almost-dated-the-one-who-wont-go-away/

Ang problema kasi sa ganitong The One Who Won’t Go Away aka TOWWGA, hindi ka niya talaga gusto.

Maaaring trip ka lang niya noong panahon ng hookup niyo dahil minsan lang siya magkaroon ng oras. Baka naging catalyst ka lang ng kanyang realization na gusto pa pala niya magpaka-binata. Nagkataon lang na kinati siya at kailangan niya ng tagakamot.

Hindi rin talaga siya naniniwala sa forever. Siguro hindi ngayon.

Masyado siyang busy. Araw-araw trabaho. Papasok sa opisina ng alas sais ng umaga at uuwi ng alas onse ng gabi. Sa loob ng kanyang opisina, kaliwa’t kanan ang meetings, napakaraming paperworks, paggawa ng kung anu-anong projects ang makikita mo. Hindi matapus-tapos na pakikipaghalubilo sa 2300 na empleyado. Kahit ang pag-CR niya ay hindi niya magawan ng oras.

Minsan pa, maaalimpungatan pa siya sa pagtulog. Gagawa ng papers at mag-aaral ng cases. May tatapusin na video project o may tatawagan na kliente sa ibang bansa. Mag-iiwan ng bilin sa mga taga-graveyard shift. Basta sobrang busy niya.

At wala siyang panahon para sayo. Wala siyang panahon sa mga kalandian mo na wala sa lugar. Ang mga text message mo na kumusta ay isa lang sa libo-libong text message na natatanggap niya sa isang araw at nasa least priorities niya.

Actually nga, wala ka sa priorities. Ni hindi ka nga option.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *