Wag Kang Kakatok Kung Hindi Ka Naman Papasok

Nakakainis lang.

May mga kasabay ako sa jeep kanina pauwi galing EDSA. Instead na magsabi ng “para po” pag bababa na sila, kinakatok nila ang ceiling ng jeep. Katarantaduhan yun.

Siguro hindi kapag sila ay pipi, pero nung hindi naman sila pinapansin ng tsuper, sumisigaw rin sila ng “para”.

At pagalit pa!

Hindi ko alam kung san nagsimula ang ugaling ganito. Matagal nang nakasanayan ang pagsabi ng “para po” kapag bababa ka ng jeep sa Maynila. Kapag nasa Cebu or Ozamiz ka naman, “lugar lang” ang tamang sinasabi.

Hindi ang pagkatok sa bubong ng jeep.

Nakakapikon. Antagal na nating ganito. Feeling ba nila innovator sila? Dapat ba, lahat ng jeep mag-install ng Pull The String To Stop para matigil ang kagaguhan na to? Siguro gagawa ako ng sign board na pwede ma-install sa jeep na nakasulat, “Ang Kumatok, May Tuktok!”

Hindi naman kasi yan pinto na kailangan mo pumasok, ‘neng. Hindi rin yan bintana na kakatukin mo pag manghihingi ka ng barya. Bubong yan, pantakip sa ulan o sa init ng araw.

E kung ikaw kaya ang tuktukan ko!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *