Day 12: People Who Inspire Me

Anak ng Teteng. Isandosenang pangalan?

May sakit pa po ako brader. Hindi pa ako makapagsulat ng maayos. Kahit nga trabaho ko, di ko magawa ng maayos, delayed na nga ako ng 11 days sa blogging challenge na ito, hihingian mo pa ako ng isandosenang pangalan.

Nakanang, nakakainis!

day 12 feels like forever

day 12 feels like forever

day 12 ninjas

day 12 ninjas

day 12

day 12

Sige, madali lang to.

1) Mario Mario – Siya ang idolo ko sa pagiging kampeon ng pag-ibig. Maglalakbay siya sa iba’t ibang mundo at makikipag-away sa mga Kupal (Koopa) para lang masagip ang kanyang prinsesa. Kung gusto mo matuto kung pano umibig ng tunay, siya ang gayahin mo.

Oo nga pala. Mahilig si Mario Mario mag-travel. Isa pa sa mga reason bat ko siya idol.

2) Luigi Mario – The ultimate wingman.

3) Coach Rio De La Cruz – Pumasok lang sa isip ko. Gusto ko kasi bumalik sa pagtakbo. Need ko ng pacer / running team. Shout out Southern Treaders and Single Runners Club.

4) Mang Jose – Ang superhero na pwedeng arkilahin.

5) Mommy Ko – Mommy, ano ulam?

6) Daddy Ko – Daddy, asan si Mommy?

7) Lolo Judge – Saludo ako sayo lolo! Kami na muna bahala dito. Stay put ka lang dyan.

8) Sinio – Real Jokes Beybeh! Maka-promote lang ng FlipTop kahit konti. Para sa huli niyang battle, click mo to: https://www.youtube.com/watch?v=kSaHstqhkX0

Iba kasing talento ang pagpapatawa na on point. Samahan mo pa ng saktong rebuttals.

Also, daig ng Funny ang Pogi.

9) Peter Pan – Happy thoughts make you fly. Hindi Marijuana.

10) Ms Patupat – Yung Math Teacher ko nung elementary. Na-elibs kasi ako nung nagturo siya ng division na nganga ang buong klase. Simple lang naman ang division pero hindi ko gets bat hindi nila gets. Gusto ko rin magkaroon ng ganung experience, mapa-nganga mo ang madla.

11) Big Brother – biruin mo, kita mo lahat! Gusto ko maging ganun! idol!

12) Michael Jordan – Pag di mo siya kilala, magbaril ka na sa ulo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *