Paano Makuha Ang Loob Ng Crush Mo

Hindi ako naniniwala sa mga Kulam at Gayuma. Para sa akin, solidong pogi points lang, solb ka na.

Pero sa kwentuhan namin nina Tita Cars sa Travel Factor HQ kanina, parang gusto ko maniwala. Feeling ko kasi, na-gayuma ako last year. Kaya siguro ganoon na lang ang pagkahumaling ko sa kanya noon.

Gayuma Buko Juice

Gayuma Buko Juice

May kakilala daw si Tita Cars. 20+ years old daw. Maganda at may pinag-aralan. Medyo spoiled at may kahigpitan ang magulang. E nagayuma. Ayoko na i-detalye kung ano mga nangyari basta medyo grabe.

Nagtatanung-tanong si Tita Cars ng mga pangontra sa gayuma. Ang lumabas sa usapan, dapat malaman mo kung paano yung pagkaka-cast ng gayuma at yun ang saktong babaliktarin mo. Si Ihris ang nagsabi nun, may friends daw kasi siya na mga albularyo.

Si Ihris talaga, ang mga tropa medyo weird.

So lumabas sa usapan ang tatlong pangga-gayuma na effective daw. Idi-discus ko ngayon to.

Sawsaw sa Kape

Procedure: Gamit ang iyong bagong hubad na underwear, isawsaw mo sa kape ang naturang piece of garment at siya naman mong ipapainom sa gusto mong gayumahin. May mga dasal daw na bibigkasin habang ginagawa mo ito. Kadalasan, Latin ang mga salitang bibigkasin, pero pwede na rin daw ang Bisaya o Kapampangan.

How To Execute: Mag-apply na barista sa Starbucks kung saan parating tumatambay si crush. Pag pumasok si crush sa store, mag may I go out sa manager at i-execute ang procedures sa banyo. I-serve ang paboritong mocha frappe ni crush. “1 mocha frappe for Piolo!”

Kailangan parating ma-execute ng nanggagayuma ang move na ito sa specific timeframe. Usually, everyday pero kung malupit ang gayuma, pwede na ang every month.

Pangontra: Natigil ang schedule of execution. Kung kailangang mabutas ang gulong ng kotse ng target, gawin!

Suotan ng Sinsing

Procedure: Dasalan ang bagong bili na singsing mula sa Silverworks. Pwede na rin ang Unisilver kung fan ka nila Kim Chui at Gerald Anderson. Salitang Latin din ang gagamitin, pero ok na kung Chabacano tutal magkalapit lang din naman yun.

How To Execute: Ibigay ang singsing sa target. Pwedeng sa isang romantic na lugar. Pwede kang lumuhod habang ibinibigay ang singsing. Wag gagawin ang pagbibigay ng singsing habang tulog ang target, dahil hindi ka papansinin ng tulog.

Make sure na parating suot ni target ang singsing. Bawal niya ito tanggalin, kundi, mawawala ang bisa ng gayuma.

Pangontra: Kailangan matanggal ang singsing. Usually ginagawa ito habang tulog ang target. Hindi umaangal ang tulog.

Tula sa Ilalim ng Unan

Procedure: Magsulat ng tula na parang sumpa sa isang papel. Pwedeng isulat sa Tagalog o sa Ingles. Mas maganda kung sa lenggwahe na naiintindihan ng target. Sampol: “Di ka makakatulog, di makakakain, hanggat ako ay hindi pinapansin.”

How To Execute: Ilagay ang tula sa ilalim ng unan ng target. Pwede mo isuksok sa punda niya na superman.

Pangontra: Wag matulog.

Grabe, habang ginagawa ko ang blogpost na ito. Kinakabahan ako. Parang may mga kaluluwa sa likuran ko na nagbabasa ng blogpost na ito. May mga bumubulong pa na medyo may kulang daw sa procedures. Hindi ko naman maintindihan ng maayos dahil salitang Ilonggo.

Wag kang lilingon, baka may nakikibasa na kaluluwa sa likod mo.

0 responses to “Paano Makuha Ang Loob Ng Crush Mo

  1. Gaano katagal effective kpag nagayuma ang isang lalake? Weeks, monhts lang po ba yun tatagal ang bisa sa isang tao

    • sabi nung mananahi namin na patay na, nakadepende ang kapangyarihan ng sumpa sa galing at experience nung may gawa. so kahit pipitsugin lang yung sumpa, kung si mortred naman ang may gawa, tanging si merlin lang ang makakapantay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *