How To Keep Your Cool Pag Lumalamang Na Sayo Ang Karibal Mo

Marami pa sa ating mga lalaki ang hindi marunong mag keep ng cool sa mga ganitong sitwasyon. Although it should be as instinctive dahil natural sa atin ang magpaka-Alpha, medyo mahirap pag nasa sitwasyon ka na.

Nandyan yung makakapag-isip ka ng masasama. Nandyan rin yung gusto mong magpa-pogi pa ng husto at i-level up ang panliligaw. Nandyan yung naiinis ka at tinatanong mo sa sarili mo kung bakit hindi mo naisip yun. Yan yung nagsisisi ka dahil wala kang ginawa nung may chance ka na gawin yun.

For now, ito lang dapat ang isipin mo:

1) Simpleng Bagay Lang Yan. Ang mga babae, kinikilig sa mga simpleng bagay lang. Kayang-kaya mo rin nga gawin yan o mas higit pa. Na-timing-an ka lang ni kumag. Makakabawi ka rin sa susunod.

2) Kanya-kanyang diskarte. Pwede kasi na may flowershop sina kumag kaya may access siya sa mga bulaklak. Wag na wag mong gagayahin ang mga bagay na hindi naman natural sayo. Gawa ka ng sarili mong gimik. Kung bakeshop ang meron kayo, tinapay ang ibigay mo.

3) Nagkataon Lang. Wag ka mag-inarte. Nag-post si crush mo ng picture niya sa Instagram dahil natuwa siya. Hindi ka niya pinagseselos o ano. Pabayaan mo siyang maging masaya.

4) Hindi pa naman sila. Lumalamang lang si kumag. Ngayon lang to. May bukas pa!

Hindi pa naman huli ang lahat. Hindi rin sa sinasabi ko na kailangan mo gumalaw agad ngayon. Stay put ka lang. Kung busy ka, tapusin mo muna ang mga ginagawa mo. Kung hindi ka naman busy, magpaka-busy ka. Tumakbo ka muna ng 21km at i-post mo sa instagram ang winning smile mo. Wag paapekto.

At ang paglalaslas ay hindi pagpapakamatay, ito ay pagpapapansin.

Dun sa kumag na yun, naka-tsamba lang siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *