Malamang Naitanong Ko Na. Pero Ano Nga Ba Ang Nagustuhan Mo Saken?

Pepi De LeonGood morning.

: Good morning..

hi, kakagising mo lang?

: Andito ko nuvali now for a meeting…
Punta alabang after..

Pepi De Leon: oohh. fish feeding. andyan kami nun sunday.

: Im here for work e

Pepi De Leon: pwede naman sumingit ng onting fish feeding. 15 pesos lang naman yun. sa break mo. and yup, may convergys dyan di ba? parang trip ko dyan magwork.

:  Tuloy tuloy itinerary e.

Pepi De Leon: ouch.

: Bakit?
Ako gusto ko baguio

Pepi De Leon: gusto ko ng bahay sa nuvali. gusto ko dyan tumira.

: Push naten yan.

Pepi De Leon: or kahit sa sta rosa estates lang, para mas malapit. walking distance.e pano, baguio ang gusto mo. magkalayo pa din tayo nun

: Push naten yan mga plano naten.

Pepi De Leon: e plano ko makasama ka
sige sa baguio na lang din ako.

Pepi De Leon: Actually. Ok na sakin ang condo sa makati, rest house sa baguio, friend na taga nuvali. At province na uuwian from time to time.

Basta kasama kita.

: Thank you…

: Malamang naitanong ko na.. Pero ano nga ba ang nagustuhan mo saken?

Pepi De Leon: Gusto ko yung mata mo na sumasalamin sa iyong pagkatao, yung kulay mo na pantay at walang halong pagbabalatkayo, yung height mo na matangkad na humihingi ng respeto, at yung katawan mong balingkinitan na aruga ay hangad.

Pepi De Leon: Gusto ko yung ugali mong mapagpatawad at hindi mapagpatol, yung pag-iisip mo na malawak at hindi pananalita mong patahol, yung pagpapasalamat mong bigkas sa bawat papuring sayo’y iginagawad, at yung ngiti mong hindi pilit pag akoy iyong nababanaag.

Pepi De Leon: Gusto ko yung paglalaro mo sa pangalan, midgeyness, midgeykels, midgey, na galing lahat sa michelle. Yung mga tattoo mong alam kong madadagdagan pa, sa paglipat ng oras sa papel. Yung pag-like mo sa status ko, pero hindi lahat. Yung pag activate mo sa instagram at pagfollow-unfollow sa tapat at di tapat.

Pepi De LeonGusto ko yung trabaho mong malaki ang network, maraming tagasunod. Gusto ko yung lugar mo sa Muntinlupa, kung saan ka nakabukod. Gusto ko yung sweldo mong mataas pero nilalaan mo sa tamang landas. Gusto ko rin minsan, makabisita sa mga relatives mo sa Batangas.

Pepi De LeonGusto ko yung kwento ng buhay mong diretso kahit minsan lumiliko. Gusto ko yung palitan ng messages natin, kahit minsan pabiro. Gusto ko yung pagsabay mo sa trip ko, kahit madalas abusado na. Kahit minsan wala sa timing ang aking mga birada.

Pepi De LeonGusto ko yung unang halik, at yung mga susunod pa. Yung pagtanggap mo sa akin kahit hindi mo pa ako ganoon kakilala. Yung pangako na pwedeng maging tayo, hanggang sa dulo o higit pa. Lahat yan gusto ko, at marami pang iba.

: (Deactivated her Facebook)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *