Paano Manligaw Lesson 87

How To Court A Girl
Lesson 87

The Diminishing Candies

 

Scenario: Kaklase / Kaopisina mo siya
Stage: Level 1 – papansin.
Damage: 5 pesos.

Procedures:

Pumasok sa klase ng sakto lang sa oras. Siguraduhin na nauna ang target na pumasok kesa sayo. Dapat naka-upo na siya sa kanyang armchair at nagbabasa ng libro o gumagawa ng assignment.

Ilapag ang limang pisong Maxx kendi na galing sa tindahan sa kanto bago makarating sa school ninyo. Make sure na walang mahuhulog. Dahan-dahan lang at wag magpakabastos. Wag magsasalita ng kahit na ano except, “Excuse me.”

maxx dynamite XO

maxx dynamite XO

Pagkalapag ng limang pirasong kendi, kunin ang isa at mag – walk away. Dumiretso sa armchair mo at simulan mo ang araw. I suggest mag-advance reading ka. Kainin mo ang kendi na kinuha mo sa kanya.

Pagdating ng 2nd period, at napansin mong hindi niya ginalaw ang kendi sa armchair niya, kumuha ng isa pa. Wala kang sasabihin na kahit ano. Kukuha ka lang. Kakainin mo yun.

Ulit-ulitin hanggang maubos ang kendi. Kapag kinuha niya ang iba at binulsa, tinanggap na niya ang alay mo. Pero kapag pinabayaan niya ang kendi sa lamesa, buong araw siyang mabu-buwisit may rason ka magpabalik-balik sa armchair niya.

Things To Consider:

Wag masyadong presko. Wag kang magwawala kung itatapon niya sa basurahan ang mga kendi na iniwan mo. Reminder, limang piso lang yun. Sapat na na nakakain ka ng isa at nakuha mo ang atensyon niya.

Wag kang madamot. Kung trip ipamigay ni target sa mga friends niya ang kendi na alay mo, go lang.

Wag Kang Creepy. Gagawin mo ang move na ito para magpakilala. Wag gagawin ng patago ang move na ito dahil magmumukha kang hidden admirer na stalker.

Upgrade:

Pwedeng palitan ng mamahalin na chocolates ang Maxx candies.

Pwede mong malaman ang favorite niyang color or flavor ng Maxx candy pag assorted ang alay mo.

Pwede mong gawing ten pieces of candies depende sa trip mo.

Ang panliligaw ay pagpapakita ng intensyon at pagpapakilala. Hindi ka pwede manligaw kung kulang ka sa kapal ng mukha.

*hindi sponsored ng Maxx ang blogpost na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *