Happy Birthday Colonel Sanders

September 9. 124 years ago, pinanganak ang isang macho gwapito na lalaki na nung tumanda ay nagluto ng maraming chicken para ipakain sa buong America. Siya si Colonel Harland David Sanders.

FYI, hindi po siya naging sundalo. Hindo po sa pagiging sundalo ang kanyang titulo na Colonel.

fully loaded kfc

fully loaded kfc

124 pesos. Sobra pa yun pag bibili ka ng 1 pc chicken with rice and drink na may kasama pang brownies. Huli ko na nang malaman ito kaninang lunch ko sa KFC People Support dahil busy ako sa kalalaro ng Clash of Clans. Feeling ko kasi, Colonel ako sa giyera at si Colonel, kasama ng kanyang mga chicken, ang kalaban ko.

Fan talaga ako ng KFC dati pa. Gustung-gusto ko yung original recipe chicken nila. Yung brownies din nila ang pinakamasarap na brownies para sa akin. Wag mo na akong simulan pagdating sa gravy ng KFC, mag-aaway tayo kapag sinabi mong may mas sasarap pa dun.

Ang ayoko lang ngayon, pinalitan nila ang drinks nila ng coke products. Sa KFC na nga lang ako umaasang makabili ng Pepsi na drinks, nawala pa. Nakakaasar talaga yun. Nag-welga na nga ako dati dito sa blog ko.

Colonel Sanders

Colonel Sanders

Daniel Padilla Streetwise

Daniel Padilla Streetwise

Wala din ako naman gustong ibalita sa blog ko kundi yung pagbati ng maligayang kaarawan kay Colonel Sanders. Gusto ko na rin batiin lahat ng mga celebrants ngayong September 9 ng happy birthday. Sana magkita-kita tayo sa isa sa mga panaginip ko.

Alam na kung saan ako ulit magla-lunch mamaya…

*Ang blogpost na ito ay hindi sponsored ng KFC, pero sana maisip nila na gusto ko ng free lunch mamaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *