KNP Calls Out Pumped Up Pranks

Ngayon ko lang to nakita. Well, siguro nakikita ko na dati, hindi ko lang pinapansin.

May Pinoy version na pala ang Simple Pickup. Sila ang tinatawag na Pumped Up Pranks.

pumped up pranks

pumped up pranks

Almost 1 year na rin ang kanilang YouTube channel. They joined Dec 11, 2013. (12-11-13). Matagal na akong naghahanap ng pwedeng maka-collab. Gusto ko rin kasi lumabas sa mga YouTube videos pero wala akong team na marunong mag video at mag edit ng mga ito.

Isa pa, tamad ako.

Grabe, gustong-gusto ko yung tapang ng mga batang ito. One time or another, masusuntok at masusuntok sila. Sana lang pinapapirma nila ng waiver ang mga napa-prank nila para hindi sila makasuhan pagkatapos.

Ang latest nilang video, yung White Lady sa Baguio. Talagang nakakatakot dun lalo na sa gabi. Yung lamig ng hangin, nakakadagdag pa sa chills na dinudulot ng lumulutang na babaeng nakasuot ng puti at mahaba ang buhok.

Wish ko lang, maka-collab sila in one way or another.

Gusto ko rin kasi masubukan ang Get A Number in 3 Words.

Pumped Up Nation naman ang tawag nila sa mga subscribers nila na kagaya ko.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *