How Georgina Wilson Connects To Gawad Kalinga's "WALANG IWANAN" Tagline

Georgina Wilson. Supermodel. Girlfriend ni Borgy at kasalukuyang wallpaper ng aking Cherry Mobile Flare 3.

Last week lang, naimbitahan si Georgina na magcut ng ribbon para buksan ang Enchanted Farm sa Bulacan. Isa ito sa mga projects ng Gawad Kalinga.

Georgina For Social Business Summit

Georgina For Social Business Summit

Ribbon Cutting with Tony Maloto, Archie King, and Georgina Wilson

Ribbon Cutting with Tony Maloto, Archie King, and Georgina Wilson

Nagsalita din si Georgina sa harap ng Team GK para patotohanan kung ano sa kanya ang Gawad Kalinga. Sinabi niya na nagpapasalamat siya kina sir Tony Maloto dahil hindi siya iniwan.

“Gawad Kalinga gave me a chance to Help. That is WALANG IWANAN FOR ME.”

Sinabi niya rin na “GK Parties are the Best Parties. People who attend do not have Ulterior Motives”.

 ****

Nakakatuwa lang din isipin na lahat kasali sa mga project ng Gawad Kalinga. Kahit na ano pang talento meron ka, basta willing kang ibahagi ito, welcome ka dito.

Ano man ang estado mo sa buhay, basta handa ka, maaari kang sumama.

Ini-encourage pa nga ni sir Tony, pasimuno ng Gawad Kalinga, na magpunta doon ang mga estudyante ng TOP SCHOOLS namely Lasalle at Ateneo, at tignan kung ano na ang programa para sa mga kabataan ngayon. Yung mga students na nag-aaral sa SEED, target nila na mag-hire ng mga lasalista at atenista kapag sila ay may mga negosyo na.

Mapag-iiwana na nga siguro ang mga graduates ng Top Schools pag nagkataon.

SEED

SEED

Sinabi din na sir Tony that he wants to “Konyolize ng Askal and Azkalize ng Konyo”. With Gawad Kalinga’s projects, we can continue to keep the dream alive. We can start small but dream big.

Ang Enchanted Farm at ang Gawad Kalinga ay isa sa mga beneficiaries ng Angelo King Foundation.

Enchanted Farm map

Enchanted Farm map

Angelo King Foundation

Angelo King Foundation

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *