I Am VIP #HYPEMNL

#VIP. Volunteer Internship Program.

Yan ang tawag sa programa sa kumpanya namin kung saan maglalaan ka ng oras para sa department na nangangailangan ng tulong.

Gusto ko kasi maging part ng organizing committee para sa Year End Party namin. It was dubbed as #HYPEMNL.

 

#HYPEMNL

#HYPEMNL

Hindi ka nila babayaran sa oras mo. Out of Love and interest lang ang gagawin mo.

Interest. Yan yung kapag nanliligaw ka. Magpapakita ka ng INTEREST.

Interested ka matuto.
Interested kang makilala siya.
Interested kang malaman kung anu-ano ang mga ginagawa sa department na yun. Interested kang malaman kung jive ba kayo.
Interested ka kung kakayanin mo ang trabaho.
Interested ka kung magiging masaya ka nga talaga. 

Pero hindi ka babayaran.

Hindi ka sure kung magiging kayo. Hindi ka sure kung tatanggapin ka ng department na yun. Hindi ka sure sa kung ano ang mangyayari, pero maglalaan ka ng oras.

Dahil lahat naman talaga ng may interest ay lumalaki pagdating ng tamang panahon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *