Counter Blog: Rules OF Falling In Love

May nakita akong umiikot na RULES OF FALLING IN LOVE sa internet. Bigay lang ako ng reaction ha. Bago tayo magpatuloy, basahin mo muna to:

if you ever fall in love

if you ever fall in love (taken from DigitalRomanceInc.com)

First Point:
Lagyan ng rules? Ano to? Ang hindi sumunod, hindi liligaya? Love is a feeling. Nararamdaman at hindi sa utak lang. Kung ikakahon mo sa loob ng apat na sulok ang salitang Love, nililimitahan mo ang kaligayahan mo. Gusto mo ba yun? Ayoko ata nun.

Second Point:
Selfish ka? Gusto mo yung may alam ng Favorite Color mo? E pano naman yung favorite color niya? Paano siya? Ang selfish at selosong karelasyon ay hindi masayang ka-relasyon. Mag-divorce na lang kayo!

Third Point:
Agree naman ako syempre. Kailangan mo rin isipin ang sarili mo. Ang verse na to ay para dun sa kakagaling lang sa isang Bad Breakup. Yung tao na feeling niya, binigay niya ang lahat at wala nang ibibigay pa. Need mo rin makabasa ng ganito paminsan-minsan para mag move on. Pero pag naka move on ka na. Wag mo sana gawing basehan ang verse na to para sa Rules Of Falling In Love mo. Kawawa ang magiging partner mo.

Tip ko sayo, manood ka na lang ng Divorce Court:

Promise, aantabayanan ko tong Digital Romance Inc dot com na to. Isa lang to sa mga website na ginagawang negosyo ang pag-ibig.

digital-romance-logo

digital-romance-logo

Kung naghahanap ka ng pag-ibig, punta ka sa nanay mo. Sure ako, meron dun. Paglulutuin ka pa ng favorite mong Kare-kare.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *