Baka Sakali by Silent Sanctuary

Unang Pagkikita

Pangatlong gabi ko na sa UNO office. Pangatlo sa sunud-sunod na araw na pagpunta ko dito. Sa totoo lang, hindi pa ako member. Hindi pa nga ako nakapag-pay in e.

Pero sabi kasi nung nag invite sa akin, bumalik balik lang ako para aralin yung negosyo.

Ang totoo, half hearted pa rin ako sa pagsali sa Networking. Kasali na rin kasi ako dati sa Forever Living noong College ako. Kumita naman ako kahit papano; pambili ng books, pan-load, pambaon. Alam ko kahit papano ang pasikut-sikot sa ganitong negosyo. May idea ako. Hindi ako virgin sa Networking.

Pero hindi pa rin talaga ako sure.

Gusto ko lang yung company ng mga uplines ko ngayon. Mga bata pa sila, nasa 18-21 years old. Parang edad ko lang dati. Nakikita ko sa kanila yung drive na meron ako dati. Yung drive nila, nandito pa. Yung akin wala na.

Tuloy lang ang rounds ng kwentuhan. Puro good vibes lang sa office ng UNO. Walang kwento tungkol sa mga kabit, utang, kawalan ng pera, at problema sa bahay. Iba ang vibe sa UNO office. Lahat positive. Kaya naman gustung-gusto ko bumalik dito.

Sa gitna ng storya tungkol sa multiple heads at presyo ng toothgel, may pumasok sa gate na grupo ng Saviors. Ang alam ko, mga SM employee sila. Matatangkad at may itsura. Pero may isa sa kanila na familiar sa akin.

Hindi ako nagkakamali. Siya nga yun.

Siya yung headturner sa 4th floor namin sa Teleperformance Center. Maiksi ang buhok, maganda ang mukha, nakakaakit na ngiti. SIya nga yun. Tandang tanda ko ang mukha niya. Sa araw-araw ko ba naman siyang inaabangan na pumasok sa office.

Ano ang ginagawa niya dito? Double job niya rin ang UNO kagaya ko? Gaano na siya katagal dito? San siya galing at bakit ngayon lang siya? Teka, out na ba siya sa work?

“Teka lang uplines ha,” sabay hawi sa pag-uusap nila. “May kakausapin lang ako.”

Iniwan ko sila sa parking lot at hinabol ang Saviors. Naharang sila sa may gate dahil magpapacheck pa ng bag yung iba. I took the opportunity.

“Marielle! Marielle! Marielle!” Tinawag ko ang pangalan niya.

“Bakit ka nandito?” I asked, kasabay ng paglingon niya sa akin.

“Bakit alam mo ang pangalan ko?” – ang sagot niya.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *