AMPALAYA Experience

Naglalaro kami kanina ng “categories”. Habang nakabilog ang lahat at may umpire sa gitna, magbibigay ang bawat player ng isang salita na kabilang sa category para sa round na iyon.

Masaya laruin ang “categories” kapag nasa isla kayo, o kaya ay bored na kayo sa classroom session at need ninyo ng ice breaker.

  • Pag nag sabing “COLORS“, pwede mo sabihin na red, yellow, indigo, magenta, gold, brown at iba pa.
  • Pag sinabing “COUNTRIES“, pwede mo sabihin na Philippines, USA, Russia, Iran, Iraq, Korea, etc.

Alam kong matalino ang readers ko kaya hindi ko na itutuloy ang examples.

Kaso, kanina, First round pa lang, laglag na kaagad ako.

Ang round kasi ay tungkol sa “FRUITS“. Dahil sa pagkakagulo ng mga pangyayari, hindi tinanggap ang sagot ko na Bitter Gourd.

Ampalaya po sa tagalog ang Bitter Gourd. Pwede mo rin siya na tawagin na bitter melon.

ampalaya

ampalaya

Tinanggal ako sa pila. Hindi na ako nakalaro sa buong eksena na yun. Nakakainis. Bitter tuloy ako.

After ng laro, I googled AMPALAYA.

FRUIT siya! 

Leche. Dapat nasa laro pa rin ako. Nanalo sana ako ng bragging rights.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *