Monthly Archives: September 2015

ALDUB notes : #ALDubEBforLove RECAP

25M tweets. Wow.

Pero syempre, hindi ako magpapahuli.

Sa dinami dami ng quotes / lessons / learnings ng September 26 episode, hindi ko na dadagdagan pa. Umakayat na ng ligaw si Alden, at kinilig tayong lahat. Sapat na yun.

Pero gusto ko lang i-point out ang scene na ito.

Pauwi na si Alden. Nakapagpaalam na siya sa mga lola. Nagpapaalamanan na sila ni YayaDub. Naibigay na ni YayaDub ang love letter na sinulat kanina. Hindi natin alam kung kailan sila magkikita uli.

Per kailangan ng souvenir. Hindi sapat ang pictures na lahat naman ay makakakita. Dapat may something special. Dapat may take away. Something na common pero pahahalagahan.

Pwedeng ticket sa sinehan kung nanood kayo ng sine.
Pwedeng resibo sa restaurant kung kumain kayo sa labas.
Pwedeng tissue paper, di ko alam kung saan galing, basta kung meron, GO!

Pero sa eksenang ito, panyo ang naging souvenir.

panyo 2

panyo 2

Pinagpawisan.

Galing sa kaba.

Galing sa hindi mapakaling pagkakakilig.

Galing sa hindi maipaliwanag na nadarama.

Something na pwedeng itago ni YayaDub. Amuy-amuyin, langhap-langhapin. Ilagay sa altar at dasalin na agad silang magkita muli.

At alam na niyo siguro kung kanino galing ang panyo:

panyo

panyo

Malupit pa rin talaga si bossing pagdating sa mga panliligaw moves.

More power bossing!

Lola During's 85th Birthday

#YanAngLolaKo

Kwento ko lang yung nasagap ko na story kanina ha. Para makilala ninyo ang lola ko.

Noong bata pa raw sila mami, ugali na nilang magkakapatid na mangapitbahay para maglaro ng goma. Ate – Ditse – Sanse – Mami. Meron silang larong kalye gamit ang mga pinagbungkus-bungkos na goma. Sisipain mo ang mga goma, ang humiwalay, iyo na.

Old school POG ang tawag dun.

E minsang nagkaroon ng bulilyaso. Nagkabatuhan ng bato. Tinamaan ang tita Ditse ko sa noo. Duguan siyang nakauwi ng bahay. Halos isang balde na raw ng dugo ang nakalat sa sahig.

Delikado pala ang laro ng goma… madugo.

Takut na takot silang magkakapatid. Dahil nga naman sa larong ito, may nasaktan pa.

Ugali ni lola na magdelegate ng responsibility. Sa pagkakataong ito, ang ate nila mami ang tiyak na pagagalitan dahil nga, siya ang panganay.

Ang ginawa ng ate, ayun, nagtago. Naglayas. Hindi makita. Umabot pa nga sa barangay at sa mga pulis ang paghahanap.

Eventually, dahil magaling maghanap ng nawawala ang lolo ko, nakita rin ang ate. Nang makauwi ng bahay, hindi na daw siya kinagalitan. Naghain na lang daw ng pagkain sa lamesa.

Pero ang ulam, nilagang goma.

Yan ang lola ko.

Maalalahanin yan. Kahit isa’t kalahating dosena kaming magpipinsan, alam niya kung sino ang may birthday sa kahit na anong buwan. Hindi kami nawawalan ng regalo tuwing pasko. Sinisigurado niyang nakakain na ang bawat isa kapag bumibisita sa kanya. Take note, may pabaon pa.

Para sa iyo lola, happy happy eighteen-fifth birthday. May you live and love more than a hundred years.

lola during 85th birthday

lola during 85th birthday

Isa munang pabebe wave dyan.

 

lola 85th pabebewave

lola 85th pabebewave

Bestfriend Mo, Inahas Ka – Kaya Mong Patawarin?

#MyPastillasLove

Pwede ba, wag natin maliitin ang moment na ito?

If #aldub focuses on kilig, #pastillas focuses on heartbreak. At malamang nabasa mo na to galing sa akin, ang pinakagusto kong feeling sa relationship cycle ay heartbreak.

FACT: Ilang araw lang nun nagbreak si Angelica (Pastillas Girl) at Enzo, e naging mag-ON na si Enzo at ang bestfriend ni Pastillas Girl.

So alam mo na na merong ahasan na nangyari.

Mapapatawad mo ba yung nang-ahas sayo?

pastillas and bestfriend

pastillas and bestfriend

Siya, napatawad na niya.

Paraphrasing from Vice Ganda

Minsan, YAKAP lang, mararamdaman mo na ang mga salitang hindi kayang bigkasin ng bibig, pero isinisigaw ng puso.

How To Execute The Perfect Pabebe Wave

#HindiNiyoKamiMapipigilan #NationalPabebeWaveDay #Aldub

Sikat na sikat ngayon ang pabebe wave. Pinalitan ko na nga ang profile pic ko para dito. Pero kung gusto mo sumabay sa uso, dapat magawa mo ng tama.

Perfect Pabebe Wave.

  1. Porma ng kamay. Dapat yung parang sasalo ka ng tubig. Yung parang paiinumin mo yung lolo mong haciendero gamit ang mga kamay mo na parang si Cedie.
  2. Ilalapit mo sa mukha mo. Yung wala pang isang pulgada ang layo. Para kapag nai-close up yung mukha mo ng Eat Bulaga camera crew, kasama yung kamay mo na matagal mong prinaktis.
  3. Facial Expression. Hindi dapat nakangiti na nakalabas ang ngipin kung wala ka namang dimple. Tamang pa-cute lang. Kung lola ka na, ilabas mo yung dila mo.
  4. Wag ikaway ang kamay. Oo, alam kong wave ang tawag dito, pero hindi mo dapat ikakaway ang kamay mo. Yung tamang vibrate lang. Para pag kinunan ka ng camera-phone, hindi na kailangan ng safety shot.

Gets mo na?!

#NationalPabebeWaveDay

#NationalPabebeWaveDay

eto akin #NationalPabebeWaveDay

eto akin #NationalPabebeWaveDay

Palitan mo na profile pic mo sa FB, Twitter, at IG. Makigulo na using the hashtag!