Napaparami na ang blogpost ko tungkol kita Alden at YayaDub. Proud #aldubnation here.
Nakakakilig naman kasi talaga.
Pero sa episode dated September 19, 2015 (Birthday ng Lola Nora), pinakilig ulit tayo ng KalyeSerye at Eat Bulaga. Bago ang lahat, salamat muna sa Tape, Inc.
Let me point out some things na pwedeng alam na natin, pwedeng hindi. Ito ay mga maliliit na bagay na sa tingin ko, importante sa pagtakbo ng isang relasyon.
FIRST: Ang Sagot Para Makatawid Ka Ng First Base ay LOVE.

Love Aldub
Seven Bases yun. Pero ang unang base ay hindi mo mapupuntahan kung walang love, or kahit na hind lang nito.
Happy ako dahil may LOVE.
Ano na next?
SECOND: Hindi Kailangan Compatible Ang Panlasa Ninyo, kaya nga may Sawsawan E.
Ito yung unang question na hindi nag-match ang mga sagot nina Yaya at Alden. Hindi kasi natin mapipilit na pareho kayo. Hindi sa lahat ng bagay, same ang choices ninyo. Pero pwede kayo mag-compromise.
Kaya nga sa handa na isaw, may sawsawan pa. Ganun talaga, need mo mag-adjust kung minsan.
Minsan lang naman e, di ba?

spicy
THIRD: Pag Pumalpak Ka, Kailangan Mong Gamitan Ng Puso at Isip.
Hindi pwedeng isip lang gaya ng sinasabi ng marami.
Hindi rin pwedeng isip lang gaya ng ginagawa ng iba.

puso o isip
FOURTH: Kapag Masaya Ka, Isayaw Mo.
Dahil sa sagot sa taas, napasayaw ang Broadway. Kahit ako dito sa bahay, sumayaw e.

dance.. woohoo
FIFTH: Blow Your Kisses.
Hindi siya korni.
O sige na nga, korni na siya… minsan.
Pero aminin mo, –
Nakakilig siya.

flying kiss
SIXTH: Be Yourself.
Nakakatuwa rin mannerisms ni YayaDub. Talagang napapalabas nito ang dimples ni Alden.
Yung pag-inom ng alak.
Yung pagkain ng isaw.
Yung hindi paglunok kaagad ng pagkain.
Yung nahulog na pugo.
Ahahahahhahaha.

pugo
SEVENTH: Wag Kalilimutan Uminom Ng Gamot.
Tapusin mo muna ang trabaho bago ka makipag-date.
Pag may kailangan ka pang gawin, tapusin mo na kaagad ang date mo.
Know your responsibilities. Lalo na pag inaasahan ka.
Ang forever, makakapaghintay yan…

gamot
000 — 000
Sana lang ok si YayaDub. Sana hindi talaga nabangga yung kotse na sinasakyan niya.
Abangan… (asawa ni.)