Yung Feeling Na Alam ni CRUSH ang Pangalan Mo

#ALDUBNextChapter

Matagal ko na siya tinitignan. Nakaw ng tingin. Minsan nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya. Gaya ng karamihan, binabawa ko ang sulyap dahil nahihiya ako.

Pero ok na ako. Yung mapansin niya na nakatingin ako sa kanya, ok na ako dun.

Gusto ko kasing makita ng mga mata ko ang ngiti na galing sa kanyang mga labi. Parang punung-puno ng saya. Walang problema. Yung mga utang ko sa tropa ko, nalilimutan ko pag nakita ko ang mga ngiti niya.

Yung kaunting halakhak. Sabay bigkas ng mga salita at mabilis na pagtawa. Mga inaabangan kong eksena, parang commercial sa paulit-ulit na gawain sa trabaho.

Yung baka sakaling maintindihan ko ang sinasabi niya kahit malayo siya. Pagpilit kong basahin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya na hindi ko naman marinig dahil malayo siya.

Yung pagliwanag ng kwartong sa kanya galing ang ilaw. Kahit na ilan pang naka-business attire ang nakapaligid sa kanya, siya pa rin ang pinakamaganda.

Tapos ngayon, nahuli pa niya akong nakatitig sa direksyon niya. Sobrang bilis ng lingon niya at hindi ko nabawi ang aking panakaw na pagtingin.

Nakita kong bukambibig niyang binanggit ang dalawang letra sa alpabeto na paborito ko. Dahilan para ako naman ang ngumiti.

“Di ba, JP ang pangalan niya,” – malinaw na bigkas ng kanyang mga labi kahit ilang metro din ang pagitan namin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *