Daily Archives: 2015-09-24

Ang Pinakaayaw Ko Sa Girlfriend Ko

#ALDUBOurMissionisLove #Sorry

Ang mga babae, malupit ang mood swings nyan. Pwede mo ma-control lalo na kapag alam mo ang menstrual cycle nya. Tyempuhan mo lang ng pa-cute kapag fertile at galingan mo mag-support the pain kapag PMS na. May panahon din na ignore ka lang kapag hindi ka niya trip kasama.

Pero ang pinaka-ayaw ko.
Yung pinaka-hate ko.
Kapag nangyari ito, tapos na ang mundo.

Kapag inabutan siya ng GUTOM!

Aba, nangangain ng tao yan.

Kapag sinabayan pa niya ang gutom niya ng http://theheckcompany.com/ups.php CRAVINGS. Kapag lumpia ang gusto niya, wala na siyang ibang gusto kundi yun lang. At may specific lumpia pa ito. Hindi pwede yung lumpia na mabibili mo kung saan-saan lang. Dapat yung lumpia na favorite niya.

Hindi rin pwede yung lumpia na ipapabili mo sa yaya mo. Hindi pwede yung pinambili e pera ng tropa mo. Dapat lumpia na ikaw ang bumili. Yung lumpia na may effort.

Specific na, may effort pa.

Ayoko talaga ng ganitong pagsubok. Shit test. Pwede naman paminsan-minsan, pero kung parati na, hindi na pwede.

Lalo na kapag sinuyo mo na at ok na kayo, hindi pa mag-S-O-R-R-Y.

sorry daw sabi ni yayadub

sorry daw sabi ni yayadub

Hahahaaayyy. Badtrip!