Ang Pinakaayaw Ko Sa Girlfriend Ko

#ALDUBOurMissionisLove #Sorry

Ang mga babae, malupit ang mood swings nyan. Pwede mo ma-control lalo na kapag alam mo ang menstrual cycle nya. Tyempuhan mo lang ng pa-cute kapag fertile at galingan mo mag-support the pain kapag PMS na. May panahon din na ignore ka lang kapag hindi ka niya trip kasama.

Pero ang pinaka-ayaw ko.
Yung pinaka-hate ko.
Kapag nangyari ito, tapos na ang mundo.

Kapag inabutan siya ng GUTOM!

Aba, nangangain ng tao yan.

Kapag sinabayan pa niya ang gutom niya ng CRAVINGS. Kapag lumpia ang gusto niya, wala na siyang ibang gusto kundi yun lang. At may specific lumpia pa ito. Hindi pwede yung lumpia na mabibili mo kung saan-saan lang. Dapat yung lumpia na favorite niya.

Hindi rin pwede yung lumpia na ipapabili mo sa yaya mo. Hindi pwede yung pinambili e pera ng tropa mo. Dapat lumpia na ikaw ang bumili. Yung lumpia na may effort.

Specific na, may effort pa.

Ayoko talaga ng ganitong pagsubok. Shit test. Pwede naman paminsan-minsan, pero kung parati na, hindi na pwede.

Lalo na kapag sinuyo mo na at ok na kayo, hindi pa mag-S-O-R-R-Y.

sorry daw sabi ni yayadub

sorry daw sabi ni yayadub

Hahahaaayyy. Badtrip!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *