Lola During's 85th Birthday

#YanAngLolaKo

Kwento ko lang yung nasagap ko na story kanina ha. Para makilala ninyo ang lola ko.

Noong bata pa raw sila mami, ugali na nilang magkakapatid na mangapitbahay para maglaro ng goma. Ate – Ditse – Sanse – Mami. Meron silang larong kalye gamit ang mga pinagbungkus-bungkos na goma. Sisipain mo ang mga goma, ang humiwalay, iyo na.

Old school POG ang tawag dun.

E minsang nagkaroon ng bulilyaso. Nagkabatuhan ng bato. Tinamaan ang tita Ditse ko sa noo. Duguan siyang nakauwi ng bahay. Halos isang balde na raw ng dugo ang nakalat sa sahig.

Delikado pala ang laro ng goma… madugo.

Takut na takot silang magkakapatid. Dahil nga naman sa larong ito, may nasaktan pa.

Ugali ni lola na magdelegate ng responsibility. Sa pagkakataong ito, ang ate nila mami ang tiyak na pagagalitan dahil nga, siya ang panganay.

Ang ginawa ng ate, ayun, nagtago. Naglayas. Hindi makita. Umabot pa nga sa barangay at sa mga pulis ang paghahanap.

Eventually, dahil magaling maghanap ng nawawala ang lolo ko, nakita rin ang ate. Nang makauwi ng bahay, hindi na daw siya kinagalitan. Naghain na lang daw ng pagkain sa lamesa.

Pero ang ulam, nilagang goma.

Yan ang lola ko.

Maalalahanin yan. Kahit isa’t kalahating dosena kaming magpipinsan, alam niya kung sino ang may birthday sa kahit na anong buwan. Hindi kami nawawalan ng regalo tuwing pasko. Sinisigurado niyang nakakain na ang bawat isa kapag bumibisita sa kanya. Take note, may pabaon pa.

Para sa iyo lola, happy happy eighteen-fifth birthday. May you live and love more than a hundred years.

lola during 85th birthday

lola during 85th birthday

Isa munang pabebe wave dyan.

 

lola 85th pabebewave

lola 85th pabebewave

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *