Pinakamabigat Na Feeling

Mahal mo e.

Mahal na mahal. Alam mo ang totoo. Handa kang sabihin. Handa kang ipaglaban. Handa kang magsakripisyo.

Pero hindi pwede.

Kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo. Isuot mo man ang brief mo sa labas gaya ni Superman. Maglagay ka pa ng sinturon gaya ni Batman. Gamitan mo man ng kutsara, kutsilyo, lagari. Ilawan mo man ng lampara, lighter, kandila, flashlight, o spotlight. Ilang ulit mo man nguyain ang Lotte Blueberry chewing gum. Tumalon ka man sa susunod na pagtapat ng orasan sa Bagong Taon. Hindi pa rin mangyayari.

Imposible.

Posible pero hindi pwede.

Gusto mo.

Pero ayaw ng tadhana.

Feeling mo handa ka na.

Handa na kayo.

Pero hindi pa ito ang Tamang Panahon.

Hindi pa hinog ang bunga.

Hindi pa angkop ang sangkap.

Hindi pa mainit ang kawali.

****

Yan yung naramdaman ko sa Kalyeserye episode kahapon, October 14. Kababalik lang ni Alden mula sa 7 day absence. Busy ata siya sa mga commitments niya here and abroad. Sakto naman na aalis si Yaya. Pupunta daw ng Cebu. Magbabakasyon sa mga kamag-anak niya doon.

Wala kang magagawa. Yun ang dapat mangyari. May kanya-kanya kayong buhay.

Sabi nga ni lola,

“Masyadong malaki ang mundo para paikutin mo lang sa iisang tao.”

“Ang mga mata ninyo ay nagtatagpo, nag-uusap. Ipikit niyo lang at higit niyong mararamdaman ang tibok ng puso niyo.

“Ang hindi kayang hawakan ng kamay mo, hawakan mo ng puso.”

 

 

Special Moments:

Na-late ka ng dating.

He shouted “Maine” instead of “Yaya”.

Ipikit niyo lang, at higit niyong mararamdaman ang tibok ng puso niyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *