3 Crazy Ideas You Have To Try In Your Next Speed Dating Escapade

#TeluEvents

May gusto akong subukan sa speed dating. 5 minutes lang naman yun.

Aminin na natin, wala talagang nangyayari sa speed dating na limang minuto. Times 25, you have more than 2 hours to stay there at ilang tao lang ang maaalala mo. Yung last kong speed dating, si Flaring Felicity lang ang naalala ko.

So, whatever you say sa harap ng kapareha mo, hindi na siya tatatak. Ngingiti pa rin naman siya kahit sabihin mong apat ang aso ninyo kung wala naman din talaga kayong aso. Pwede mong sabihin na lolo mo si Rizal at hindi rin niya maaalala yun. Pwede rin sabihin mong na-try mo na mag sky diving kahit na ang totoo ay may fear of heights ka.

Might as well, i-enjoy mo na lang ang bawat round, di ba?

Hindi naman sa sinasabi kong pwede ka na magsinungaling. Ang sa akin lang, bat hindi mo bigyan ng challenge ang sarili mo. Challenge para maging mas effective ka. Para maiangat ang sarili mo sa iba. Para sa personal development mo. At para na rin mas ma-enjoy mo ang Speed Dating.

Here are the 3 things that I want to execute on my next Speed Dating escapade:

  1. Pick Up Line EVERY TIME. Uso pa rin ang pick up line. Hindi ka magkakamali, basta sakto ang timing at delivery. Walang mawawala sayo. Ang mahirap lang neto, BAWAL UMULIT! 25 rounds yun. Tignan lang natin kung ma-execute mo ng maayos.
  2. Names Challenge. Sige nga, subukan natin na maalala mo ang pangalan ng lahat ng challengers. Ang pinakamadali daw, i-associate mo ang pangalan nila sa isang trait nila. Pwedeng Friendly Farah, Sexy Sandy, Joyful Joanna. Mga ganun. Again, 25 rounds yan. Parusa yan. I am sure very challenging para sa kagaya ko na makakalimutin.
  3. Gifts. Malapit na Pasko. Mag-iwan ka ng regalo sa bawat lamesa na uupuan mo. I have something for you. Describe the item in the next 5 minutes. Play around with it. Give it to  your date. I am sure maaalala ka niya. Hindi man ikaw, pero yung alay mo, dadalhin niya pauwi. Wag lang singsing, baka matali ka kagad.

Tomorrow is Mystery Affair night sa Oz Bar, Holiday Inn, Makati. Tignan natin kung kaya mo execute ang mga ito.

It will be a great Halloween. See you there!

Oct30_FINALDESIGN_9272015(lowres)

PAINCAKE Patrol

PAINCAKE Patrol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *