Mamatay Na Ang Lahat, Wag Lang Ang Bestfriend Mo

Lalo na kung isa lang si bestfriend.

Mabuti kung friendly ka; ang bestfriend list mo, isa sa highschool, isa sa college, isa sa work, at isa sa kada relationship na pinasok mo. E pano kung nag-iisa lang si bestfriend, at sa kasamaang palad, nauna pa siyang pumanaw sayo.

Wala ka nang ka-asaran kapag palpak ka. Wala kang karamay pag namatay ang isa sa iyong mga aso. Wala kang pwedeng kaladkarin papunta sa Greenbelt kapag heartbroken ka. Wala kang kasamang manood ng mga movie ni Jennylyn Mercado habang itinatambal siya sa lahat ng mga leading men sa kabi-kabilang channel.

Masakit di ba? Ako, iniisip ko pa lang, masakit na.

E paano pa kung magkatotoo, kagaya ng kuya na ito.

Pinaiyak lang naman niya ang X-Factor UK noong nag-audition siya. Nag walk out ang isa sa mga judge matapos ang performance niya.

 

 

Nakakapanghina ng loob.

Ngayon pa lang, magpasalamat ka na sa bestfriend mo – sa lahat ng sakripisyo niya sa iyo. At ipangako mo sa kanya na hinding-hindi mo siya makakalimutan.

Sa mga KnP, pati na rin sa OneTrueLove crew, salamat sa inyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *