Yoko Na Pagod Na Ko

Kulang ng punctuation, pero ok na rin.

Kahit sino naman, napapagod. Kahit ang pinakamahusay na basketbol player, pinakamagaling na boksingero, pinakamadaldal na komentarista, at pinakapoging blogger, napapagod din. Pagbigyan niyo na.

Yoko Na Pagod Na Ko

Yoko Na Pagod Na Ko

Isa pa, na-delete naman yung tweet after 44 seconds. May pambawi pa na quote after.

Kelan ka ba magkakaron ng karapatan na mapagod? Pwede mo bang sabihin na pagod ka na after mo sumubok ng isang beses? Ano ba gagawin mo pag napagod ka? Sudden stop? Rest? Continue? Insert Coin here?

Kung sa trabaho yan, pag napagod ka, mag-schedule ka ng leave mo. Sa company namin, meron kang 15 na vacation leaves at 15 sick leaves. Kung gusto mo magtrabaho para sa ADP (Philippines) Inc, sabihan mo ko. Sayang ang referral bonus.

Kung sa Lovelife yan, dyan masusukat kung handa ka na. Ang next step mo ang magdedetermine kung talagang ready ka na magmahal. Dahil pag huminto ka, hindi ka pa handa. Pero kung nagpatuloy ka, kahit pagod ka na, kahit masakit, kahit hindi na ganun kasaya ang nadarama mo, go ka pa rin. Dahil nga nagmamahal ka.

Kung sa pagpi-facebook yan. Tigilan mo na. Lumabas ka ng kwarto mo at makipag-kwentuhan sa nanay mo. May gusto siyang sabihin sayo.

Kung sa workout yan, sundin mo lang ang program. Ilang reps pa. Wag ka lang biglang hihinto. Tandaan, may cooldown excercises ka pa.

Pag pagod ka na, pwede ka magsabi ng “Yoko Na Pagod Na Ko”. Walang magja-judge sayo. Dahil yung next move mo ang magdi-define kung anong klaseng tao ka.

Isang rep pa… kaya ko pa to.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *