What Is Pulutan in ENGLISH?

Pulutan (engl. Boozepetizers):
from ther root word “pulot” which means to “pick up”.

Boozeepetizers – from the 2 words “booze” which is slang for alcoholic drinks and “appetizers” , the manner of when this tye of food is normally served.

Masarap sa inuman ang pulutan. Wag ka lang masyadong mamulutan sa inuman dahil hindi ito picnic. Mabansagan ka pang Kung Fu.

Ano ba ang mga paborito mong pulutan? Product endorsements on their way. Wala itong bayad. Sana lang, padalhan nila ako ng sample products. Tutal, binigyan ko sila ng puwang sa blog ko.

GAME NA?!!!

Sisig plus Skyflakes
purefoods sizzling sisig

purefoods sizzling sisig

Masarap ang Purefoods Sizzling Sisig in a can. Initin mo lang ng onti, pwede na. Kung gusto mong magpaka Chef Boy Logro, igisa mo sa bawang at sibuyas.

Pero kung ko-combohan mo, I suggest, use skyflakes. Pwede din hearty flakes para bite size lang. This way, you can eliminate the number of tinidor na nakalabas. Just make patong the sisig on the skyflakes and then, boom. Sarap!

Mang Juan
mang juan

mang juan all new flavors

 

Pwedeng pancit canton, pwedeng chicharron (take note, double RR ang nakasulat sa JackNJill), pwede din Shing-a-ling. Basta Mang Juan.

Kakaiba din kasi yung concept nila ng flavors. Kung pulutan, dito ka na sa maalat. May Spicy Sisig, Bopis, Sukang Paombong, Suka’t Sili na flavors. Abangan din ang dini-develop na iba pang flavors na lalabas this 2016; Chocolate, Lemonade, Coffee Jelly, Bacon Bits, Wasabi, at Christian Grey.

Kwentuhan
mahaba habang inuman

mahaba habang inuman

Yung ibang kainuman ko, ayaw magpulutan. Kwentuhan at yosi na lang daw ang isasabay nila sa beer. Sakto lang naman to kung panget ang kainuman mo.

Dahil kung panget ang kainuman mo, kailangan mo nga talaga ng maraming alak.

Friendly Neighborhood Pansit con Lechon
chekwa

wag mong sabihin na taga Mandaluyong ka pero di mo kilala ang Chekwa

Hindi mo pa na-discover ang specialty ng karinderia ni aling Sofia? May pansit con lechon sila dun. Kung wala naman, sure ako na may tira-tirang ulam dun. Piliin mo na lang yung masarap gawing pulutan. I suggest, kaldereta, adobong pusit, bopis, o fried chicken.

Lumpia
lumpia

photo by @iLoveLumpia1 on Twitter

Parating may lumpia sa freezer namin. Sa sawsawan na lang nagkakatalo.

Ayan. Andami nang pwedeng pagpilian. Tara inom tayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *