Magkano Ang Isang Munting Harana?

#ParaSayo #Parokya

Namimiss ko na mag-harana; yung may dala kayong gitara ng tropa mo, may kahon, at naka line up ang songs na sa videoke niyo lang usually kinkanta, mga 10pm na para medyo tulog na yung mga tao at tanging mga TV-holics na lang ang gising. Usually, tulog na rin dapat ang haharanahin.

Para maging effective, dapat yung roommate niya, o yung nanay niya, kakuntsaba mo na.

Dapat din, may dalang kang foods; isang bilaong pansit galing sa Tonang’s sa Mandaluyong, at isang dedication cake galing sa Red Ribbon. Yung tubig, makiinom na lang kayo.

I suggest, yung kantang pang-kasal ang gamitin. Yung huling ginamit namin sa harana, God Gave Me You. Birthday kasi ni hipag nun at uso ang Aldub. Medyo narinig nga ni hipag ang kaluskos sa ibaba at nakaramdam pa siya ng selos dahil si utol at si yaya, hindi mapakali. Buti na lang na-gets niya na surprises salubong harana ang ginagawa namin sa kanya.

Pero… magkano nga ba ang isang munting harana? Sabi nila. 6 pesos daw.

 

6 PESOS!

 

Magkano ang isang munting harana?

Magkano ang isang munting harana? (photo and concept not mine. kung sayo to, pa-comment na lang for proper crediting. promise, hindi ko ma-trace sino nag-coin.

At sa awitin kong ito
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

 

kung hindi mo gets, subscribe ka dito:

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *