Thank You For Subscribing

Matagal na rin akong blogger. Out of hobby, and passion na rin, sumusulat ako sa munti kong blog. Minsan weekly, minsan daily, depende sa sipag at sa backlogs. Pag napapansin na kasi ng mga tao ang reach mo, at nasasabihan ka na, “blog mo naman kami,” dyan na nagkakaron ng tasks and responsibilities ang isang blogger.

Kung tamad ka, aabutan ka talaga ng 2 weeks worth of backlogs. Wag ka na magpalusot kesyo marami kang ginagawa… TAMAD KA LANG TALAGA.

Kahit na minsan e puro hirit at banat lang ang makikita mo sa blog ko, nagpapasalamat pa rin ako sa suporta na binibigay mo. Maraming salamat. Masaya na malaman na hindi lang ikaw ang nagbabasa ng blog mo. Kahit papaano, pito naman kayo;

Nanay,
Tatay,
Kuya,
Bunso,
Yung hipag ko na isa,
Yung hipag ko na isa pa,
At yung pinagkakautangan ko ng bente.

Join ka? Subscribe ka rin!
Enter your email address:


Delivered by FeedBurner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *