Duterte Curses The Pope, What Happens Now?

Kung huli ka pa sa balita, magbasa ka muna ng Rappler News, o kahit ABS-CBN na lang. Bahala ka kung dun ka sa biased makikibalita.

duterte, hulaan ninyo san galing yung pic.

duterte, hulaan ninyo san galing yung pic.

Matapos murahin ni Duterte ang sitwasyon nung dumating ang Santo Papa sa Pinas at nawiwi siya sa pantalon niya dahil sa traffic, kaliwa’t kanan na ang naging reactions ng mga tao.

Yung iba, nagsabi na hindi na daw nila iboboto si Duterte.

Yung iba, Duterte pa rin daw, pero nagvoice out na
ayaw nila sa ginawa ni Duterte sa Pope.

Yung iba naman, Duterte pa rin. Solid!
Gusto din ata nila ng dalawang asawa at dalawang gelpren.

 

Ngayon, ano na ang mangyayari sa political landscape ng Pilipinas?

1) Maglalabas ng endorsement ang CBCP, or anti-endorsement. Sasabihin nila na wag iboto si Duterte.

2) Mumurahin ni Pope Francis si Duterte. Sasabihin niya na Pakyu Duterte!

3) Yung mga sagrado Katoliko, iboboto na lang si Grace Poe, dahil daw kamukha ni Mama Mary.

4) Makukuha ni Duterte ang Bloc Vote ng Iglesia Ni Cristo. Yun e kung buo pa ang Iglesia Ni Cristo pagdating ng Mayo 2016.

5) Madadagdagan ng gelpren si Duterte. Merong may kailangan ng pambayad sa boarding house.

6) Walang mangyayari. Status quo. Mananalo si Duterte ayon sa mga survey.

Botante tayo. Kung ok lang sayo na magsalita ng diretso yung manliligaw mo – sabihin niya na mataas masyado yung mga upuan ninyo sa bahay at hindi kayo makaupo ng maayos, magtatampo ka ba?

Iba manligaw tong si Duterte. Diretso masyado. He dares us not to vote for him. Nasayo na yun.

Eto nga pala sabi ni Chito Miranda sa issue – CLICK HERE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *