SMP Ka This 2016? Wag Magpaka- Ampalaya

Buhay na naman ang SMP. Grupo ito ng mga single na lumalabas pag malapit na ang Christmas. Kasabay ng mga jejemon sa simbang gabi at clingy couples, ang SMP ay tradisyon na ng mga Pilipino.

Sadly, isa ako sa mga kasapi ng SMP.

samahan na malalamig ang pasko

samahan na malalamig ang pasko

Swerte lang natin, medyo late ang hanging amihan sabi ni Kuya Kim. Hindi pa natin ramdam gaano ang malamig na simoy ng hangin. Hindi natin gaanong feel ang pagiging SMP natin. Yung mga weekends natin, napapainit pa rin nila pareng Miguel at mga friends niya na sina Johnny at Jack. Pwede na rin yung MP Lights, basta may ka-jamming.

Pero pag solo ka na, lalo pa pagpatak ng December 16, magsisimba kang mag-isa na tanging jacket lang galing sa Baguio ang nagpapainit sa iyo. Diretso ka sa tindahan ng Puto Bumbong at wala kang kahati sa bibingka. Yung softdrinks mo, Solo. Ikaw yung sasakay sa jeep pag isa na lang ang kulang.

Solusyon ko? Makisama ka sa mga ka-grupo mo. Lakwatsa kayo. Nood kayo ng Star Wars. Planuhin ninyo ang schedule ng MMFF. Manood ka ng #WalangForever instead of MyBebeLove. Tsaka sumali ka sa exchange gift, para kahit papano, may magregalo sayo. Make sure lang na i-post mo yung wishlist mo sa FB wall mo.

Cherish mo yung pagiging Single mo. Baka next year, hindi ka na single. Pang-double na yung size ng waistline mo at pang couple na ang timbang mo.

Oo nga pala, #SingleBells na sa Sunday. Ampalaya Monologues. Maraming Single dun. Magkita tayo.

Magkita Tayo.
Txt mo ko.
0917Kampeon.

singlebells

singlebells

All NEW Ampalaya Monologues #SingleBells
Dec 13, 2015 | 4PM
Pink Panda Southeast Asian Diner Makati City.
Php200 only with 1 Free Drink

Monologues| Spoken Word | Music | Open Mic | Live Art

One response to “SMP Ka This 2016? Wag Magpaka- Ampalaya

  1. naka subscribe kaya ako 😛

Leave a Reply to aysabaw Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *