Wala Akong Pakialam Kahit Disband Na Ang Kamikazee

Kilala mo ba sila? Ako kasi, hindi ko sila kilala.

Never kaming nagkita sa iisang TAGPUAN. Never ko silang naka-jam sa isang session ng DOO BIDOO. Kapag nagpupunta ako sa mga gig nila, napapanood ko sila mula sa baba ng stage. Never nila akong kinausap, HANGGANG TINGIN lang ako sa kanila.

After ng mga gig nila, gusto ko rin pumunta sa sulok ng Maynila at maghanap ng ALAY, kumain ng HOT MAMI, at umorder ng CHIKSILOG. Gusto kong makatikim ng HALIK, mula sa mga NARDA na umattend ng kanilang gig. Kahit UNANG TIKIM lang, ayos na sakin.

kamikazee photo from fhm.com.ph

kamikazee photo from fhm.com.ph

AMBISYOSO na akong maituturin kung gusto ko ma mag-PETIX sa trabaho habang nakikinig ng mga kanta nila – na kapag sinabayan mo ng galaw, pwede kang maging SEKSI SEKSI.

Pero SANA KAHIT MINSAN, makasama ko sila sa isang movie na may DIRECTOR’S CUT. O kahit isang inuman session lang kasama si MARTYR NYEBERA.  Napakasaya siguro nun dahil balita ko, makukulit daw sila. Kahit na SOBRANG INIT, kakanta kami ng iba’t ibang kanta na alam namin, pero ang gusto ko UNG TAGALOG.

Dahil MERON AKONG ANO, meron akong pangarap. Pangarap na makasama sila sa HULING SAYAW ng gabi, at maiulit ang pakiramdam ng FIRST DAY HIGH.

Nasan na nga ba ang TSINELAS ko?

#KapwaKampeon #SalamatKamikazee #LongLiveKamikazee

One response to “Wala Akong Pakialam Kahit Disband Na Ang Kamikazee

  1. nakalimutan mo rin atang kumain ng TURON na kakaahon lang sa naglalagablab na kawali sabay sabihing MMM SARAP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *