The Best Burger Of Greenbelt – Teddy's Bigger Burgers

Sabi nila, wag ka daw basta-basta mag claim ng BEST kung hindi mo pa natikman ang lahat at wala kang pagkukumparahan. Sagot ko naman, hindi ka na titikim ng iba pag natikman mo na ang BEST para sayo.

Kaso mahal, pero ayos lang. Basta kasama ang mga kakulitan mong gutum na gutom din, swak at solve na.

I am referring to Teddy’s Bigger Burgers.

Pagpasok mo pa lang, sinisigawan ka na ng waiters. Aloha! daw. Feeling ata nila nasa Hawaii sila. Honolulu. Dun daw galing ang Teddy’s.

Ngayon, pwede ka nang mag double meaning dahil hindi naman Teddy Bear ang ibibigay mo sa jowa mo on one of those Makati strolls. Cliche na rin kung dito mo ibibigay yung Teddy Bear ninyo na papangalanan ninyong CHUBAKA.

Ang order namin, isang BIGGEST BURGER na hinati sa apat. Malaki naman siya at nakakabusog kaya oks na. Umorder din kami ng Buffalo Wings. Tsaka yung pinakanagustuhan ko, yung CONSOLATION FRIES.

the burger gang

the burger gang

KnP vs Teddy's BIG BURGER

KnP vs Teddy’s BIG BURGER

Wings yun nasa likod.

Wings yun nasa likod.

Umabot din ng P1,200 yung bill namin. Nakakuha kami ng discount na 10% matapos namin mag-promise na ipopost namin yung experience sa blog. Sana lang nai-post na ng mga kasama ko para hindi nakakahiya. 1 month ago na rin kasi ata yun.

Kung gusto mo bumisita, andun lang sa 3rd floor ng Greenbelt 3. Kain muna kayo bago mag simbang gabi.

Shoutouts to my Girlfriends:
Nikki De Dios – http://nikkidedios.wordpress.com
Jin Cyrene – http://www.cyrenedipity.com/
Teddys Bigger Burgers – FB page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *