Ms Universe Pia Wurtzbach's Ex Speaks Out

Dear Kuya na Ex ni Pia,

Kumusta?

So maglalabas ka ng story ngayon. Something na pa-trending. Hindi naman natin sure kung totoo. Hindi natin alam kung san galing at gaano ka-detailed. Paandar lang? Gwapo ka na nyan?

Nakaka-gwapo nga talaga kung maipagmamalaki mo yung mga ex mo. Sana nga din yung ex ko, ganyan naging seryoso sa buhay. Malaki din yang mga pagsisisi na gagawin ko. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi, dahil hindi yun pwedeng mauna. Gets mo?

Marami kang mali sa sinabi mo. Hindi gitna ng San Juan at Espanya ang SM Sta.Mesa. Lugi sa pamasahe yung taga Espanya dahil dalawang sakay siya. Yung taga San Juan, isang bus lang na G-Liner. Mali yun! Lugi ka ng slight dahil taga-UST ka.

Manood ng romantic movies, ayaw mo pa? Dapat nagsalita ka pag ayaw mo. Depende na lang din to kung sino ang nanlibre di ba? Kung sagot ni Pia ang movie, popcorn, drinks, at Timezone after, wag ka na umangal. Pero kung ikaw ang nanlilibre, kahit papaano, dapat nagsasabi ka. Dyan nagsisimula yang panggagago e. Sa pagkakataong ito, ginago mo sarili mo. In response to your utak, feeling mo ok na rin na gaguhin mo siya.

Ang panggagago sa malaking bagay ay nagsisimula sa maliit. Isang yosi kada araw, ngayon, isang kaha na; two bottles lang dapat, naging two buckets na; friendly kiss lang daw, ngayon torrid na. Kung pinigilan mo ang sarili mong manggago sa simula pa lang, hindi mo na siguro napalaki.

Lastly, totoo man o hindi ang kwento, alam ko totoo ang lesson. Parang Bible lang yan, wag ka nang magtanong, maniwala ka na lang.

Sige idol. Congrats sa Buhay. #ConfidentlyBeautiful #WithAHeart.

exboyfriend ni pia

exboyfriend ni pia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *