How Not To Be Bored With MyBebeLove #KiligPaMore

Dear Kuya na napilitan manood ng MyBebeLove dahil ke ate na may crush ke Alden Richards,

Kumusta?

Nasasayangan ka ba sa 230 pesos mo pansine, 16 pesos mo na pamasahe dahil sa hindi pagsukli ng tama sa jeep, at sa 2 oras mahigit ng buhay mo na boring naman at wala nang ginawa kundi humilata pag weekends?

Kakalabas mo lang din ng sinehan. Hanggang ngayon, clueless ka pa din kung natuloy ang kissing scene nila Maine Mendoza at Alden Richards. Nagtataka ka pa rin kung bakit LUHA ang theme song ni Ai-ai at ni Bossing. May mga artista ka pa rin na hindi kilala na lumabas sa movie.

Hanggang ngayon, nagtataka ka pa rin ba kung bakit ganun na lang kasikat si Maine Mendoza.

Nainis ka ba sa dami ng product placements? Paulit-ulit yung pagpapakita ng Tide 6 pero binebenta sa tindahan sa kanto nang otso. Nakailang coke na rin ang nakita mo pero nainis ka lang din dahil hindi nila iniinom. Nagsisisi ka rin ba na hindi mo tinignan kung spaghetti o chicken ang inorder nila Alden at Maine sa Mcdo. Yung GlutaMAX ba, nakita mo sa background ng 1021 office?

Natakam ka rin ba sa San Miguel Beer? Dapat bumili ka bago pumasok sa sinehan.

Ako, nabitin lang ako. Parang kulang yung mga endorsements. Hindi ata na-mention yung favorite kong kape, pintura, videoke machine, at celphone.

Di bale na, sulit naman yung movie. Kahit papaano, naisip mo yung tita mo na namatayan ng asawa at kumekerengkeng ngayon. Mabuti naman at naisip mo rin magpa-event para sa lola mo na magsi-celebrate na ng birthday nya soon. Happy rin ako dahil naisipan mo na magseryoso sa pakikipagrelasyon ala Dondi.

Syempre, naisip mo rin pumunta ng Zambales para mag-beach.

Ako, all the while, hangang hanga ako ke Valeen Montenegro. Swak siya sa role niya. Nadadala niya ang bawat eksena na kapalitan niya ng dialogue si Maine. Aminin na natin, baguhan si Maine sa industry. Marami siyang unnecessary gestures, dahil nga dubsmasher siya. Buti na lang andyan si Valeen. Teka, kuya, kilala mo ba yung Valeen na tinutukoy ko?

Maging thankful na lang tayo kuya. Kahit hindi mo na-enjoy masyado yung movie dahil maka-dos ka at mas gusto mo makita si Coco Martin kesa ke Alden Richards, nakasama mo naman yung Bebe Love mo this Christmas. Nakapag-share naman kayo ng popcorn. Di ka naman nagutom dahil pinaubos niya sayo yung hotdog sandwich niya.

Tsaka ikaw na nga ang nilibre, choosy ka pa? Next time, subukan mo naman magbukas ng pitaka.

Nagmamahal,

Isang Kalyeserye Fan at member ng Aldub Nation BPO.

****

with dalagita to watch mybebelove

with dalagita to watch mybebelove

 

 

Ano na next MMFF movie na papanoorin natin?

One response to “How Not To Be Bored With MyBebeLove #KiligPaMore

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *